Athena’s P.O.V.
Agad kaming umayos ni Cristoff habang si Evanna ay gulat na gulat pa ring nagpalipat-lipat ang mga makahulugang tingin sa aming dalawa. Si Carlene naman ay gano’n din ang ginawa, pero alam kong tahimik lang siyang nakikiramdam.
Para akong naestatwa na hindi alam kung magmamaang-maangan na lang ba ako gayong mas malinaw pa sa sikat ng araw ang nakita nila. Mariin akong napakagat sa ibaba kong labi habang nag-iisip pa rin ng realistic na alibi kay Evanna.
Pakiramdam ko tuloy ay pulang-pula ‘yong mukha ko sa tindi ng hiya. Si Cristoff naman ay neutral lang ang ekspresyon na parang walang nangyaring kilitian. Hinawakan niya lang ulit ‘yong kamay ko na sa kabila nang pilit kong paghila rito ay hindi pa rin niya binitiwan.
“And what about those firm holding hands?” pahabol na tanong ni Evanna, na hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata.
“We… we are not holding hands. Cristoff was just holding me,” I told her.
“Woah, what an endearment! Kailan mo pa tinawag na Cristo