Athena’s P.O.V.
Akala ko, makakaya ko eh… hindi pala.
Dahil sa bigla at kakaibang bugso ng damdamin ko ay tahimik na lang akong umiyak. My chest even moved up and down as tears streamed down my cheeks in a flash. My shoulders even shrugged.
Kung ano-anong tumatakbo sa isipan ko ngayon, hanggang sa napalitan ng pagsinghot at hagulgol ang kaninang tahimik kong pag-iyak. Ayoko pa rin kasing tanggapin ang katotohanan na pilit sumasampal sa aking harapan. Mabuti na lang talaga at walang ibang tao na nandito ngayon sa loob ng CR kung kaya’t malaya akong nakakapagdrama.
Sinabi ko noon sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ako magpapa-alipin sa letseng pag-ibig na ‘yan. Pero bakit ako pa talaga ‘yong napiling paglaruan ng tadhana? Kung tutuusin, matagal na akong nagpa-alipin sa pag-ibig na wala namang pupuntahan. Dahil sa kagustuhan kong mahalin ng sarili kong ama, pumayag a