Athena’s P.O.V.
“Sure, ma’am. Hindi pa naman ako inaantok eh,” sagot niya at mula sa bulsa ng shorts ay inilabas niya ang dalang maliit na flashlight. Itinapat niya ang ilaw niyon sa dagat at sa magkabila naming gilid. “See? I’m always ready. Teka, may makikita pa kaya tayo ritong boylet kahit dis-oras na ng gabi?” Then, she winked at me. I chortled at her childish way of saying things.
“Thanks for the company… but no, we will not look for boys here. Baka kung ano pa ang makita natin. As they say, be careful what you wish for!” sabi ko kay Nadz at magkatabi na nga kaming umupong muli sa buhanginan paharap sa malawak na karagatan. Bukod sa iba’t ibang disenyo ng ilaw sa Casa Evangelista, napakaganda rin ng sinag ng buwan.
“Hmm… sireno?” I looked at her and Nadine’s round eyes were too curious.