Athena’s P.O.V.
Mamayamaya pa ay pinahid ni David ang mga luha sa magkabilang pisngi ng babae at niyakap niya ‘yon nang walang kasing higpit. Sa mga oras na ‘to, I just wished that I knew how to do lip-reading! I wished I knew how to read minds as well, because I wanted to know David’s thoughts and feelings. I didn’t care at all kung kasama man ako roon o hindi.
Hell, damn it!
Nakakainis lang na hindi ko naririnig kung ano man ‘yong pinag-uusapan nilang dalawa. Nakakainis na nakikita ng dalawa kong mga mata na ‘yong lalaking ni hindi man lang ako magawang ngitian ay nakangiti ngayon sa piling ng iba… na para bang sinasabi ng mga ngiti niyang ‘yon, na magiging okay rin ang lahat.
Throughout my entire life, I had never felt this level of pain… not until I saw how David was smiling at her. Ako dapat ‘yon eh. Ak