David’s P.O.V.
Pareho na kaming nakaupo at nakuha na rin namin ang in-order naming mga kape at desserts nang magsimulang magkuwento si Ate Paula—bagay na hindi ko inaasahan na gagawin niya.
I didn’t know why, but an uneasy feeling started to occupy my heart. My instinct was telling me that I would soon know about Athena’s life—way more than I had already learned about.
“Athena and Helena are identical twins—bagay na alam kong matagal mo na rin namang alam. Limang taon pa lamang sila nang magsimula akong manilbihan sa pamilya nila—noong mga panahong buhay pa ang mama nila.”
Uminom muna siya ng kape bago niya itinuloy ang pagkukuwento sa akin. Ate Paula was not looking any younger. She was already having those fine lines on her forehead and some were underneath her eyes. Her hair began to develop gray strands too.