Athena’s P.O.V.
“When will you be able to sue me in court for physical harassment?” David asked.
What! Sineryoso niya talaga ‘yong sinabi kong ‘yon?
Gusto kong matawa, pero literal na nakanganga lang talaga ako ngayon. Na-engkanto ba talaga siya at bakit gano’n na lang siya kung umakto?
At ang bilis ding mag-shift ng mood niya ha? Hindi ko siya maintindihan. Parang kanina lang eh namumula pa siya, pero ngayon—seryosong seryoso na ‘yong mukha niya!
Sasagot na sana ako dahil kung tutuusin nga ay sexual harassment pa ang ginawa niya sa’kin, pero bigla ulit siyang nagsalita. “O baka naman gusto mong ikaw ang idemanda ko?”
David was too serious when he said that—like there was no room for a joke or a mock. What happened next was my eyes went wide open as I fr