David’s P.O.V.
“Alam mo, Dave? Just make sure na ipapaayos mo ‘yong sasakyan ko as soon as possible, ha? Ipahatid mo agad sa ALeour mamaya—sa parking lot ng Spain building to be exact. Coding si Carah bukas kaya wala akong gagamitin kung hindi si Mariah lang,” pag-iiba ni Athena ng usapan.
Unti-unti rin siyang lumayo sa akin habang tinatanggal ang kamay kong prenteng nakaakbay lang sa balikat niya. Nakaramdam ako ng panghihinayang, pero masaya pa rin ako dahil kasama ko siya.
Still staring at her green eyes, I suddenly felt her uneasiness kaya gusto kong tumawa nang malakas. I found Athena so cute lalo na nang malaman kong may mga babaeng pangalan pa talaga ang mga sasakyan niya.
“Problema ba ‘yon? I’ll give you a ride again tomorrow. I can be your driver whenever you want. So… forget about Carah or Mariah, Athena. Here’s y