"Tita Cooper, why po punish ni Lola si Papa Gustavo at sina Tito?" Hera, Kuya Gustavo and Chiara's eldest twin daughter asked me.
Kasama niya ang kakambal niyang si Athena na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa Papa niya at kina Kuya. Kambal ang panganay na anak ni Kuya Gustavo. Si Hera ang madaldal at si Athena naman ang tahimik at bilang lang kung magsalita.
Kasama din namin ang dalawa pang anak ng mga kapatid k. Si Wyatt na anak ni Kuya Caleb at si Ameeya na anak naman ni Thunder.
Andito kami ngayon sa labas nakatingin sa mga kapatid ko dahil hindi pa tapos ang punishment ni Mamá sa kanila. It's been a week long punishment.
Si Kuya Gustavo, Kuya Ford at Thunder ang nagsisibak ng kahoy dahil sila ang may pinaka malaking kasalanan. Habang si Kuya Caleb naman at Hunter ang tagahakot ng pinagsibakan nila. At sa tuwing napapalingon sila dito sa pwesto namin ni Silas sabay silang nag-iirapan.
I don't know kung para saan ang mga sinibak na kahoy dahil sa tingin ko sobra na ito