Niyayakap ako ng malamig na simoy ng hangin. Hindi ko na rin alintana ang pagkampay-kampay ng laylayan ng suot kong Hospital gown. Wala na rin namang saysay pa ang buhay ko. Ano kung masilipan naman ako ngayon.
Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Derek kanina ay tuluyan na akong nawalan ng kompiyansa na may pag-asa pang maayos ang relasyon namin. Bigla ko na lang tinanggap ang tadhana ko. Pagkatapos ay saka ko plinano na mawala na lang sa mundo. Pumikit ako't dinama ang malamig na simoy ng hangin na dumarampi sa aking balat. Ang sarap no'n. Sayang kung narito lang sana si Derek ay kotiyak na kukuhaan niya ako ng litrato, mahalig siyang mangolekta ng memories. Kukuhaan niya kung gaano ako kagaling bumalanse sa railings ng rooftop kung nasaan ako ngayon. "Aahh..." Sumigaw ako. Itinaas ko ang aking makabilang braso na para bang nasa isang magandang tanawin ako. "Derek, bakit ang unfair mo!" Sigaw ko pa ulit. "Ang sabi mo mahal mo 'ko! Ang sabi mo ako lang! Ang sabi mo tayo ang magsasama hanggang sa huli... Pero bakit gano'n?" Tuluyang dumausdos ang luha mula sa aking mga mata patungo sa pisngi ko. Sa wakas ay nagawa ko na ring sumigaw. Nasayang ang walong taon na relasyon namin, I never imagined any of these to happened this way. Ang daya ng tadhana para sa akin. Nasasaktan ako habang sila ay nagsasaya. "Karmahin sana kayong lahat, hindi ko kayo mapaptawad. Mga manloloko!" Dumungaw ako sa ibaba, mataas na rin ang limang palapag, at siguradong hindi na ako bubuhayin nito. "Sana'y maging masaya kayo... Paalam." Pumikit ako. Mas maigi na siguro ang ganito, mabilisan na lang ang mangyayari, hindi ko na nararamdaman ang sakit na dinulot nila. Hinayaan ko na dumulas ang aking isang paa mula sa naapakan ko. Mali na kung Mali, ngunit ito ang tama para sa akin ngayon. Ngunit ang lahat ng kadramahan ko ay naputol na lang ng may kumabig sa aking kamay. Tumingala ako. Uncle Jethro, ikaw na naman? "What the h*ll Darlene? Are you crazy?" mamamatay na lang ako ay nabulyawan pa ni Uncle. Ah, tama pa ba na Uncle ang tawag ko sa kaniya gayong tapos na kami ng pamangkin niya. "Hayaan niyo na ako Uncle, wala na rin namang saysay ang buhay ko." Hawak ni Uncle ang kamay ko habang ang isa pa niyang kamay ay kumukuha ng puwera sa pader kung saan nakasampa ang katawan niya. Nang tingalaan ko siya'y pansin ko ang pagngitngit ng ngipin nito senyales na nahihirapan ito. "Is that what you want? To lose to them? Ayaw mo man lang bang lumaban, kahit subukan mo lang?" "Ayoko na Uncle, hindi ko rin kakayanin ng mag-isa. Wala na rin ang career ko, wala na 'kong babalikan. Mas mabuti na ang ganito kaya please, pabayaan niyo na ako." Pagsusumamo ko sa kaniya. "Then you really lose, how coward and pathetic you are. You are giving them the privilage to ruin you. Hindi mo man lang ba naiisip na kung paano kung gawin din nila sa iba ang ginawa sa 'yo? Can you tolerate that?" Hmm. Tama naman si Uncle pero kasi... "C'mon Darlene you need to help yourself, hindi ko na kakayanin kung hindi ka pa rin magdedesisyon. 'wag mong sayangin ang buhay mo para sa mga walang kwentang tao." "Durog na durog na ako Uncle..." "I know, kaya ako narito. I'll help you... We'll let them pay for what they did." Naguluhan ako sa sinasabi ni Ninong. Na-curcious kung ano ang pinupunto niya. "P-paano?" "Marry me, Darlene. Become a Delos Santos, take your revenge. I'll help you." "P-po?" .... Inalok ko ng kasal si Darlene hindi dahil mahal siya. I knew her as may nephew's fianceé but that night ruin it all. She's a woman to my eyes now. Someone who is capable of being a mother. At siya ang napili ko bilang ina ni Jenny, ang four year old kong anak. Mamatay ang asawa ko sa panganganak kaya naman walang kinilalang ina si Jenny, at ngayon na nagsisimula na itong magkamuwang ay hinahanap na niya ako ng mommy. Hindi pa niya maiintindihan kung sasabihin ko na namatay ang mommy niya after manganak sa kaniya. Kaya ang naisip kong solusyon ay humanap ng tatayong ina sa kaniya. And Darlene would be a perfect fit. Kaya naman matapos ang ginawang eksena ng sister-in-law ko ay hinabol ko agad si Darlene. Ako ang nagdala sa kaniya sa Ospital at nagpagamot. Sinadya ko na doon siya dalhin kung nasaan sina Derek para mas matauhan siya. Ngunit mukhang maling desisyon pa ata ang nagawa ko, mabuti na lang at naabutan ko siya dahil kung nagkataon ay malamig na bangkay na ito ngayon. She was 31 years old while I'm on my forty's , but it doesn't matter. The marriage that I am insisting is only on papers. "Uncle. Jeth." Lumingon ako sa kinaroonan ng boses na tumawag sa akin. It was Darlene, she already took a bath. Sa bahay ko na siya dinala para mapag-usapan namin ang tungkol sa inaalok ko sa kaniya. Pumayag siya kaya wala na 'kong magiging problema. "You look good." Hindi siya sumagot sa papuri ko, mas na-sense ko ang akwardness sa mukha niya kaya agad kong dinugtungan na ang inuumpisahan kong usapan. Actually, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa kaniya't in-explain ang gusto kong mangyari. This would be a Contract Marriage, parehas kaming magbe-benefit sa huli, so we must know what rules we should have. "Okay po sa akin ang gusto niyo, 2 years akong magiging ina ni Jenny kapalit ng pagiging isaang santa Delos Santos." "Good then. Bibigyan kita ng access sa lahat, including the family businesses. I'll give you cards... And most importantly, you'll become one of us. You can have a revenge to all of them." Naupo ako sa swivel chair ko't hinila any drawer mula sa baba. Kinuha ko ang maliit na kahon na kulay pula. It was a diamond ring. "Take this," abot ko sa kaniya. "That thing will symbolize our contract." "Kailangan ko na bang isuot 'to ngayon?" "Yes you have. I'll call my assistant to arrange the necessary papers for our wedding. I'm sorry but we can't have a church wedding." Tumango siya. "Okay lang po, Uncle—" "Jethro, Jeth or call me any names you want but not Uncle... It doesn't sounds good." sabi ko. Muli ay tumango lang ito. Mukhang okay na siya physically pero ang mga mata nito ay iba naman ang sinasabi. She looks sad, depressed and hopeless. "Puwede na ba muna akong umalis?" I paused. Na explain ko naman na ang lahat sa kaniya, we've decided already kaya wala na sigurong pag-uuspan pa. Kung may maalala man ako ay baka bukas ko na lang i-open sa kaniya. Masyadong maraming nangyari ngayong gabi at kailangan niya ng pahinga. "You can, have a rest, take your time dahil sa susunod na mga araw ay marami ka na ulit gagawin." Pinapaalalahan ko siya. Inayos ko na tungkol sa kontrata niya sa kaniyang Modeling Company. They are insisting on letting her go, lalo na nang kumalat ang ilang videos sa social medias. Ngunit dahil sa malawak ang hawak ko sa industriyang ito ay hindi ako pumayag. Tinakot ko sila na aalisin ang almost 35% na share ko sa kompaniya nila. Darlene should still be on her beloved career. "Salamat." I smiled as an answer. Ngunit agad ko rin iyong binawi ng mapansin ang sariwa pa rin nitong sugat sa may pisngi na mula sa pagkakasampal ni Diane kanina. Tinungo ko kung nasaan nakalagay ang aking medicine kit saka kinuha anh mallit na pouch for scar remover. Binuksan ko na 'yon at naglagay ng kaunti sa aking hintuturo. Hindi siya umalma ng pahiran ko ang sugat sa mukha niya. Imbes ay nahuli ko ang mata niya na nakatitig sa akin. Hindi siya kumilos hanggang sa matapos kong lagyan iyon. "Better. You need to take good care of your body and face. Judgemental ang mga tao sa industriya na pinasukan mo, kaunting gasgas lang ay tiyak na mapupuna agad nila." Sinundan ko na lang si Darlene ng tingin hanggang makalabas ito ng silid bago ko kinuha ang cellphone at sagutin ang tumatawag. "Sige, pupunta na ako riyan. Make sure na hindi malalaman ng pamangkin kong si Derek na hinarang ko ang transaksyon niya with the other investors."