Eliza POV
Nagulat ako ng may matanggap akong isang malaking box package galing sa isang sikat na fashion tailoring shop. Hindi ko pa sana tatanggapin ngunit nakapangalan sa akin ang receiver kung kaya't napilitan akong kunin mula sa messenger na naghatid mismo sa loob ng aking opisina.
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakagandang black gown na fully sequenced ng mamahaling crystal beads. Tenirnohan din ito ng mask na kulay itim at may mga crystal beads din. Sa isang box ay may 3 inch high-heeled sandal na may crystal beads din.
Napakaelegante ng mga ito at sino naman kaya ang nagpadala sa akin ng ganito kamahal na kasuotan. Niwalang nakalagay na sender. Hinalughug ko ang lahat ng laman ng box at pati na rin ang isa pang box ngunit wala talagang nakalakip na sulat o pagkakakilanlan.
Biglang tumunog ang aking keypad phone, isang mensahe ang aking natanggap. Binasa ko at nagtaka sa maikling saad ng mensahe, "Did you like it? See you on the ball, don't be late, y