Eliza Janice Montebon Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang. Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
View MoreThree years later… “Mommm…,” napalingon ako sa munting boses na aking naulinigan sa aking likuran. “Scar… baby… why are you here? Sinong kasama mo…?,” sa hindi makapaniwalang tono na saad ko dahil ni minsan hindi ko pa siya nadadala rito. “Uhmnnn… secret!,” sa bibong boses na sabi nito at iniangat ang isang kamay nito sa labi na tila zinipper nito iyon. Natawa naman ako sa ayos ng aking anak. Sa murang edad nito na tatlo ay matatas na itong magsalita at parang sinong malaking tao na kung makipag-usap sa kapwa nito. Palibhasa ay pawang matatanda na ang kasama namin sa Casa Maria. Oo sa loob ng tatlong taon ay doon na ako nanirahan at nakapanganak kay Scarlet. I named her Scarlet. She is my little scar from the past na ayaw kong iwaglit at burahin sa aking puso at sa aking isipan. Siya ang naging bunga ng aking pagkakamali. Pagkakamali na hindi ko itinuring na kabiguan dahil sa panahon na iyon ay ibinigay ko ang aking buong pusong tiwala at pagmamahal sa isang lalakeng aka
ELIZA POV “Anton, anong ginagawa mo dito!”?!” gulat na sabi ko sa kanya ng makasalubong ko siya sa sala. “Nasaan ang magaling na Aragon na iyan, papatayin ko siya!,” marahas nitong sagot na ikinapitlag ko. Ngayon ko lang halos narinig ang malademonyo niyang boses. Nakakatakot. “Anong pinagsasabi mo? Wala si Enzo dito!,” mariin kong sagot at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi niya ako masisindak. “Ilabas mo siya, Eliza? Alam kong narito siya!, huwag ka ng magmatigas pa!,” tila lalapain niya ako sa bangis ng hitsura niya. “Sinabi ng wala siya rito!,” tumaas na rin ang boses ko. “Halughugin n’yo ang bawat sulok ng bahay… go!!!,” bulyaw niya sa mga armado niyang mga tauhan na nakapaligid lang sa amin. Dali dali naman sumugod ang mga tauhan niya at pinaghalughog ang buong parte ng bahay. “Ano bang nangyayari sa iyo, Anton? Kailan ka pa nagkaroon ng mga goons? What’s happening?,” kunwaring usisa ko sa iyo. “You are asking me, what is happening, Eliza? Shit, ikaw itong
EIZA POV “Hindi ka rin ba makatulog?,” nagulat ako sa baritonong boses ng lalake mula sa aking likuran, Enzo pala. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya’t napagpasyahan kong magpahangin dito sa secret garden namin ni Enzo. Kita ko naman kanina na mahimbing na itong nakatulog sa sofa. Kaya hindi ko na siya ginising at inabala pa. He is true to his words. Binantayan niya nga ako but he did not dare to touch me. Nasa sofa lang siya nahiga habang ako ay nasa malapad at maluwag na kama. He is indeed a true gentleman which on the deepest part of my being, misses this side of him. “Huh… ikaw pala, akala ko ay tulog ka na!,” humarap ako sa kanya at simpleng sumulyap sa kanya at agad ding tumingala sa kalangitan. “Medyo naidlip lang, just like what I promise, babantayan kita,” anas pa nito. “Ahmnn… hin—di na kailangan, ang dami na ngang bantay ang bawat sulok ng bahay mo, imposibleng makakapasok pa rito si Anton… salamat ha pe—ro mabuti pa ay mauna ka na sa loob kaya
ELIZA POV “I should have listen and believe you in the first place, hindi na sana nangyari ang lahat ng ito, Enzo,” malungkot kong saad sa kanya. “Nangyari na ang nangyari Eliza, hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, ang mahalaga ay narito tayo ngayon magkasama na lalaban sa mga taong sumira sa ating mga buhay!,” nahihimigan ko ang pait sa kanyang boses ngunit pilit pa rin nito pinapagaan ang aking kalooban. “Paano mo nagagawang patawarin at tanggapin muli ako Enzo sa kabila ng aking kataksilan at karuwagan?,” udyok ko sa kanya dahil hindi ko talaga mabanaag ang poot niya sa akin. “Eliza, my princess, you have understimated my feelings for you, even time and circumstances may distance us from each other, hindi ka nawala sa puso at isipan ko!,” pinakatitigan niya ako ng mariin at tangka sanang yakapin. “Hu—- wag Enzo… nahihiya ako sa iyo, sapat ng tinulungan mo ako at si Inay Linda upang makatakas sa kamay ni Anton,” minabuti kong dumistansiya sa kanya at supilin ang a
ELIZA POV “Walang hiya ka Anton, wala kang kasing- sama, parehong- pareho kayo ng tatay mo, mga demonyo!,” walang patid ang pag-agos ang mga luha ko habang iniisa- isang basa ang mga pinadalang mga files ni Enzo sa akin. Dali-dali akong umuwi ng mansiyon upang buksan ang nialalaman ng usb sa laptap ko. Nasa mansiyon kasi naiwan ang personal laptap ko na hindi ko dinadala sa opisina. Ayaw ko na sana pang ungkatin ang nakaraan at alamin pa ang katotohanan dahil gusto ng burahin ang mga sugat ng nakaraan at magsimula ng panghabang- buhay kapiling si Anton pero ang laki kung tanga na pinaikot lang pala ako sa palad niya. Isa siyang traydor at manggagamit. Pareho lang sila ni Rica na akala ko ay totoong kaibigan at maasahan ko sa lahat ng bagay sa buhay ko pero nagkamali ako. Bakit kasi ang dali- dali kong magtiwala? Bakit ganito ang mga tao sa paligid ko wala naman akong kasalanan sa kanila. All this time pinaniwala nila akong mapagkakatiwalaan at maaasahan ko sila sa lahat n
ELIZA POV Maaga akong gumayak ngayon papuntang opisina. Tatlong araw na wala si Anton dahil may emergency meeting daw ito sa isang investor namin sa ibang bansa. Umalis ito ng hindi kami nagkakaayos at hindi man lang nagparamdam o tumawag. Talagang tinotoo nito ang kanyang tampo sa akin. Sinabihan naman ako ng sekretarya nito na ngayon ang balik ni Anton at dederetso daw agad ito sa opisina sa daming nakatambak na papeles nitong dapat pag-aralan at pirmahan. Naiinis man ako kay Anton ay hindi ko na lang pinairal ang aking pride dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nagtatampo. Gusto siguro ni Anton na ako na naman ang maunang sumuyo sa kanya. Siya lage kasi ang nagpapakumbaba sa aming relasyon at laging umiintindi sa akin. Siguro naman walang masama kung ibaba ko paminsan- minsan ang aking pride dahil kasalanan ko rin naman bakit siya dumedistansiya sa akin ngayon. Pagdating ko sa aking pribadong opisina ay nanibago ako sa katahimikan at namiss ang bungangera kon
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments