“Tito Rey,” panimula ni Arniya, maingat ang tono pero may bahid ng tapang sa tinig, “naaalala ko po noong araw bago mangyari 'yung aksidente... Sabi ni Mommy, nag-away raw kayo ni Daddy. Buong araw siyang nagkulong sa study, at masama raw ang loob niya. Pwede ko po bang malaman kung bakit kayo nagtalo?”
Biglang nagbago ang anyo ni Reyniel—mula sa kalmadong ekspresyon ay naging seryoso. Dahan-dahan niyang tiningnan si Arniya, mula ulo hanggang paa, na para bang sinusukat ang intensyon ng dalaga.
“Ano’ng ibig mong sabihin sa tanong na ‘yan?” malamig at mabigat ang tanong ni Reyniel. “Pinaghihinalaan mo bang may kinalaman ako sa pagkamatay ng mga magulang mo?”
Napasinghap si Arniya. Kumunot ang noo niya, at agad na umiling, tila ba pinapawi ang bigat ng bintang.
“Ha? No, Tito! Why would I even think that?” mariing sabi niya. “Kayo pa ang huling taong pagdududahan ko.”
Humugot siya ng malalim na hininga, saka tumingin sa mata ng kausap.
“Hindi lang dahil matagal nang magkaibigan ang pamil