"ART, IT'S RAIN..."
Masakit man ang pagkaka-pisil ng binata sa kaniyang mga kamay ay sinikap ni Rain na maging kalmado at banayad habang pinakakalma ito. Lalo pa siyang lumapit habang pinipilit niyang hulihin ang pisngi nito para haplosin.
"Mom, please. Let me in..." Pakiling-kiling ang ulo nito habang umaagos ang mga luha sa kaniyang pikit na mata. "I'm scared... I'm scared..."
"Art, nandito ako." Nang mahuli niya ang pisngi nito'y ipinirmi niya iyon para magawa niya itong gisingin. "Art, si Rain ito. Gumising kana, please. Hindi kita iiwan."
"No!" Naging malakas ang paghiyaw nito at ang kasunod no'n ay bigla nitong pagbangon. "Rain?"
Humahangos pa ito't hindi pa tuluyang kumakalma nang higitin niya si Rain sa kaniyang katawan para yakapin. Just by the simple touching of their bodies, she can already feel how miserable that bad dream was. Art remained shivering, and the way he squeezed her against his rock hard chest makes her see that he's still scared... Was that really a bad dream