*****ART*****
LUMABAS SI Art ng elevator matapos na maka-balik sa tamang palapag kung nasaan ang kwarto niya, bahagyang nangunot ang noo nito nang makakita ng maliit na box doon sa mismong tapat ng pintuan. Nagtataka siyang lumapit dito, palinga-linga sa paligid bago tuluyang pinulot ang package. There is a small card attached at the upper part and it says, to the best brother in the world.
Kaagad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi matapos mabatid kung sino ang nagpadala ng mga iyon, karga-karga ang package ay pumasok si Art sa loob sa tulong ng key card. Pabagsak siyang umupo sa malapit na sofa habang nagda-dial sa kaniyang cellphone, just three rings and she immediately picked up the line.
"Good morning, the best brother in the whole universe!" maligayang bungad ni Airish sa kaniya.
"Whole universe naman ngayon?" Pagod niyang isinandal ang katawan sa backrest ng kaniyang sofa. "Naka-lagay rito sa package, 'in the world' lang?"
"Oh, so natanggap mo na pala?" She giggled.
"Yep