*****RAIN*****
NAHIHIYANG UMUPO si Rain sa kaharap na upuan ni Mr. Sevilla matapos niyang i-lapag ang order nitong black coffee, kasabay no'n ay ang pagbaba niya rin sa tray na hawak. Tumindi pang lalo ang pangangatog ng kaniyang tuhod, lalo sa mga mata nitong kung tumingin ay para bang wala itong magandang nakikita. Mr. Sevilla's deep set hazel's eyes resembles Art's eyes, both dark and scary at times.
"That man," anito habang itinuturo si Nate na naroon na sa counter at nanonood sa kanilang table.
Hindi ito halos pumayag sa hiling ni Mr. Sevilla kanina, pero mapilit kasi ang huli kaya naman kalaunan ay pinagbigyan nalang ni Rain habang si Nate ay hindi ma-ipinta ang mukha habang nakahalukipki at matang-lawin sa kaniyang puwesto.
"Is he your suitor?"
"Si Nate po?" Nahihiya ma'y mabilis siyang umiling. "Naku! Kaibigan ko lang po siya."
"That's good to hear." He sighed in relief. Ibiniba nito ang tasa at platitong hawak para tingnan si Rain nang may paghanga at kahalong tuwa. "Akala