"So, how's the DFI?" tanong ni Fei sa'kin. Nakatitig ako sa maganda nitong mukha. Hindi maipagkakaila nito ang labis na kalungkutan.
"It's fine, how are you?" tanong ko rito. Napahilot ako sa sariling sentido habang nakatitig sa monitor ng aking laptop. Nakipag-video chat kasi ako rito. Namiss ko na rin ang matapang kong kaibigan.
"Not fine, I—I just missed him, Hera," malungkot nitong tugon.
"I feel you, ganyan din ako kay Orson. Ewan ko ba, 'pag nasa paligid siya naiirita ako, pero sa tuwing hindi ko naman makita ang kanyang mukha at maramdaman ang kanyang presensiya daig ko pa ang namatayan," saad ko rito.
"Sa hormones 'yan siguro," saad ni Fei. Ngumiti na ito at napailing.
"Kailangan ko nang matulog. Ingat nalang kayo riyan, keep safe," pamamaalam nito. Ngumiti ako rito sabay flying kiss. Gano'n din ito sa akin.
Nang maisara ko ang laptop. Halos mapaigtad ako nang maramdaman ang ilang munting halik ni Orson sa aking balikat. Damn!
"What are you doing, Mr. Acosta?" im