Hindi ko alam pero naiinis ako sa tuwing naaalala ko ang ilang pagsisinungaling ni Orson sa akin. Feel ko lang kasi, para akong nauto nito. Ngunit tama bang isipin ko pa iyon? Takot akong sumugal sa ngalan ng pag-ibig. Hindi ko alam kung may katugon ba ang damdamin ko para rito. Hindi ko itatanggi na masaya ako sa piling niya.
"Ano'ng plano mo?" pukaw sa akin ng lalaking naka-topless lang sa harapan ko. Napalunok ako ng wala sa oras.
"Gosh, Orson. Pwede bang magsuot ka ng damit! Hindi iyong ibalandra mo pa iyang abs mo sa harapan ko!" gigil kong sita rito.
"At ano namang kasalanan ng abs ko sa'yo?" takang tanong nito sa akin. Lumapit ito sa akin at hinapit ako nito palapit sa katawan nito. Pagdaka'y buong-suyong hinagkan ang aking noo. I close my eyes.
"The grilled pork is ready to serve, let's eat," ani nito at inakay ako sa upuan. Nasa hardin kami ngayon. It looks like a picnic.
Napasulyap ako kay manang habang si Coarth ay masayang naglalaro. Pansin kong malungkot ito ngayon.