"Si ma'am Althea ang pinaka the best employee ng kompanya, and you just want her to become someone's secretary? Deserve ni ma'am Althea ang mas mataas na posisyon." Pagtutol agad ng isa.
"Tama, si ma'am Althea ang pinaka the best, at pinakamaganda pa sa lahat. And with her accomplishments, siguradong pag-aagawan siya ng mga kompanya." Segunda ng isa pa nilang kasama.
Napangiti nalang si Althea habang pinapakinggan ang team niya na nagpapalitan ng mga ideya.
Ang totoo nyan, ilang tawag na din ang natanggap niya mula sa ibang kompanya at sinusubukan siyang kunin. Hindi niya alam kung paano nakalabas ang tungkol sa pag-alis niya sa Bonaventura dahil ginawa naman niyang tahimik at pribado ang pagresign niya.
"Oi, pero aminin nyo, anong masama sa pagiging secretary kung ang anak naman ng isa sa pinakamayaman sa bansa ang magiging boss mo?" Sagot ng nagsuggest tungkol sa pagiging sekretarya. "Hello! Secretary ng tagapagmana ng isang business empire! Imagine all the connections na mak