DOMINICE TRAVIS LUCAS POV
LUMIPAS ang isang linggo at nanatili pa rin ako kay Tiya. Ipinasyal ko si Bonbon at Tiya kahit saan dito sa Manila. Minsan ay hindi pa nakakasama si Tiya dahil sa small business niya. May pa-order kasi siyang natatanggap sa mga client at suki kaya tuwang-tuwa si Tiya at hindi pinapalabas ‘to. Dahil madalang lang naman kasi ang client niya kaya kapag may nag-oorder sa kanya ng mga kakanin, mga ulam for birthdays, kasal, binyag, o ano man na okasyon ay G na G ‘yan si Tiya.
Nasa park kami ngayon ni Bonbon, kasama na rin namin ang personal nurse niya. Tahimik lang kaming kumakain ng ice cream na isa sa aming favorite. Noon kasi ay hindi namin ‘to nagagawa, kaya ngayon na kaya ko ng igala siya ay gagawin ko talaga para sa kanya at ma-enjoy niya ang buhay bata. Hindi kasi kami pinapayagan ni Tiya dati e, kahit nasa tamang edad na ako noon ay wala akong lakas upang ipagtanggol ang kapatid ko at sarili ko. Bata pa si Bonbon ng mamatay si MOmmy kaya hindi niya nakila