SABAY silang nagkatinginan at basi sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha ay parang sinasabi nilang wala na rin ang Papa ko. Bagsak ang balikat ko at bumuntonghininga na lang. Wala na akong mga magulang, pati tunay kong mga magulang ay wala na rin. Ang saklap naman ng buhay ko. Nalaman ko ngayon na hindi ako tunay na anak ng mga kinikilala akong mga magulang, tapos malalaman ko rin na wala na rin pala ang tunay kong mga magulang. Ang sakit sa dibdib na hindi ko man lang sila nakita. Nagbalik na nga ang anak nila pero wala naman na sila.
“He is in a come,” sabi ni Mrs. Horman. “Your Father is in state of coma.” Dagdag pa niyang salita. I suddenly felt relieved at nakahinga ng maluwag ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ko dahil kahit humihinga pa siya ay nasa coma naman.
“B-bakit po na c-coma? Ano pong nangyari sa kanya?” nauutal kong tanong, pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. “Nasaan po siya ngayon?” sunod-sunod kong tanong.
“Nasa isang pribadong hospital siya ngayon n