“Anong nangyayari sa’yo?!” sigaw ni Furtiza (Elijah) sabay sampal kay Shanna.
Napaurong si Shanna sa gulat at sakit. Agad siyang napatigil sa pagsigaw.
“Aray ko naman! Nakakasakit ka na, ah!” daing niya habang hawak ang pisngi.
“Ang lakas ng sigaw mo! Ano 'yang ‘patay’ na sinasabi mo?! Nakakagulat ka, uy! Tignan mo tuloy, ang make-up ko—lagpas-lagpas na!” reklamo ni Furtiza habang sinisipat ang sarili sa maliit na salamin.
Tahimik na itinuro ni Shanna ang kahon sa sahig.
“Ayan! Tingnan mo!”
Napalingon si Furtiza at nanlaki ang mga mata nang makita ang laman ng kahon.
“ERICK!!!” sigaw niya, halos sabay sa pagbukas ng pinto.
Pumasok si Erick kasama si Tiffani. Nagtatawanan ang mag-ama, halatang galing sa masayang sandali.
“Wow, ang saya-saya niyo ha! Anong meron?!” galit na tanong ni Furtiza, nakapamewang.
“Hahaha! High blood ka na naman. Ano bang nangyari dito?” biro ni Erick habang lumalapit.
“Itong si Shanna! Sumigaw na parang may sunog, ‘yun pala dahil lang sa