MasukSi Elijah Juarez, 25 years old, ipinanganak sa kahirapan ngunit itinadhana para sa marangyang buhay. Pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap ng lahat — si Lejandro Ferman, anak ng isang bilyonaryo at tagapagmana ng pinakamalawak na hacienda sa bayan ng Velegas. Isang kasal. Isang pangakong walang hangganan. Isang buhay na tila perpekto... Pero paano kung ang lahat ng ‘perpekto’ ay bigla na lang maglaho? Ginawa kang alipin. Utusan. Alila. Pinagmalupitan. Tinanggalan ng dignidad. At ang lalaking pinakasalan mo — si Lejandro — bumalik sa Pilipinas… Ngunit hindi para iligtas ka. Kundi para ituring kang hindi asawa, kundi isang hamak na katulong sa kanilang hacienda. "Saan hahantong ang pagiging asawa ng isang bilyonaryo kung hindi ka niya kinikilala bilang asawa?" Aalis ka na lang ba? O haharapin mo ang mapait na katotohanan? Paano kung isang araw... Bumalik ang alaala ni Lejandro, ngunit ibang babae na ang nasa kanyang puso? Dahil sa mapanlinlang na si Furtiza, ang tunay mong pagkatao ay ninakaw… At ikaw na si Elijah, ay ipinakilalang katulong — sa iyong tunay na asawa. Isang kwento ng pagnanasa, pagkakalimot, at pagtataksil. Handa ka bang maramdaman ang sakit ng pagmamahal na binura ng panahon?
Lihat lebih banyakPagpasok ko sa boardinghouse, sinalubong ako ng may-ari, isang matandang babae na may mabait na ngiti. “Anak, may bakante pa dito. Hindi man marangya, pero ligtas at tahimik.” Bahagya akong natigilan, ramdam ko ang init at malasakit sa boses niya. Matagal ko nang hindi nararamdaman ‘yon, lalo na’t sanay akong puro kompetisyon at malamig na tingin ang nakapaligid sa akin. Naglakad ako papasok sa silid na itinuro niya. Simple lang—isang kama, maliit na mesa, at bintanang tanaw ang kalangitan. Pero sa kabila ng pagiging payak nito, may kakaibang kapayapaan akong nadama. Umupo ako sa kama at napangiti. Sa wakas… may lugar na akong uuwian. Hindi ito tungkol sa ganda ng paligid, kundi sa panibagong simula. At sa gitna ng katahimikan, biglang pumasok sa isip ko si Vivian. Naalala ko ang itsura niya habang hawak ang sentido niya matapos banggain ang ulo sa lamesa. Napailing ako, sabay tawa ng mahina. “Vivian… siguro balang araw, magkikita ulit tayo. At kapag dumating ang oras na ‘
Alexander: POV Grabe naman ‘yung babaeng ‘yun! Napailing ako habang lihim na nakatitig sa kanya. Akalain ba namang iuntog pa niya ang ulo niya sa lamesang gawa sa solidong kahoy. Ang sakit nun ah—para bang naramdaman ko rin kahit ako ang hindi tinamaan. Napalunok ako, sabay bahagyang kinagat ang loob ng pisngi ko para pigilan ang mapatawa. “Seriously?” bulong ko sa isip ko. Ang kulit talaga. Pero imbes na mairita, mas lalo siyang naging kapansin-pansin sa akin. Habang hawak niya ang sentido niya, may kung anong kakaibang lambing sa itsura niya. Parang gusto ko siyang alalayan, kahit hindi ko pa alam kung matatawa ba ako o maaawa. Huminga ako nang malalim, pinilit panatilihing kalmado ang porma ko. Syempre, kahit medyo nagugulo niya ang utak ko, kailangan gwapo pa rin ang dating ko. Kailangan ko na munang maghanap ng matutuluyan, bulong ko sa sarili ko habang mabilis kong inilakad ang mga paa ko palabas ng college school. Saka na kita papansinin, Miss Vivian. Ramdam ko ang bi
“Aray! Kainis!” sigaw ni Vivian, sabay sapo sa noo na parang sinadya niyang idiin ang pagkakauntog sa mesa. Ramdam ang kirot pero mas nangingibabaw ang inis at sama ng loob na gusto niyang iparating. Napapikit siya at mariing kumagat sa labi, tila ba gustong ipakita kay Alexander kung gaano siya nasaktan—hindi lang sa noo, kundi pati sa damdamin. Samantala, nanatiling kalmado si Alexander, nakaupo lang sa tabi ni Vivian na para bang walang nangyari. Pinagmasdan lang niya ito, bahagyang napailing at lihim na natawa sa loob-loob. Grabe, kakaiba talaga ang babaeng ito, sabi niya sa sarili, hindi natinag sa eksenang ginawa ni Vivian. Makalipas ang ilang oras ng klase, naglabasan na sila sa silid. Habang nag-aayos ng gamit, napatingin si Vivian sa kanyang relo—hindi mamahalin, mumurahin lang, pero sapat na para ipaalala sa kanya ang oras. Habang tinititigan niya ito, biglang lumapit ang tatlong kababaihan, diretso mismo sa harap ni Alexander. Agad itong nakakuha ng atensyon ni Vivian. N
“Celistiana University College-CUC” — isang tanyag at iginagalang na paaralan sa gitna ng Maynila. Pinaniniwalaan ng lahat na ito’y hindi lamang tahanan ng talino at karunungan kundi ng patas at pantay na pagtrato. Kilala ang mga propesor dito sa kanilang pagiging makatarungan at malasakit sa bawat estudyante, mayaman man o mahirap, taga-lungsod man o probinsya. “Hello, Class! Good morning sa inyong lahat…” masiglang bati ng guro na may kasamang malapad na ngiti. Habang umuusad ang oras ng klase, ramdam ng mga estudyante ang kasiglahan ng ikalawang linggo nila sa paaralan—may kaba, may saya, at may pag-asang dala ng mga bagong aralin. “Pero may good news ako,” dagdag pa ng guro, bahagyang pinatagal ang suspense na tila lalo pang nagpa-usisa sa lahat. “May bago tayong transfer student… at hindi lang basta transfer student, kundi galing pa sa malayong Probinsya ng HACIENDA FERMAN.” Agad nag-ugong ang bulungan sa loob ng silid. Ang ilan ay napatingin sa isa’t isa, may halong excitemen












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak