NAPAKISLOT si Isabelle nang maramdaman niya ang paggalaw ng sanggol sa loob ng tiyan. Isinandal niya ang kanyang likod sa dalawang unan at umayos ng pagkaupo. Nasa pitong buwan na ang tiyan ni Isabelle kaya medyo mahirap na rin siyang kumilos.
Agad namang lumapit si Franco upang alalayan siya.
“Are you okay?” tanong nito, nang makitang nahihirapan siya sa pag-angat ng katawan.
“Yes, I’m fine. I could feel the twins kicking inside me,” nakangiting wika ni Isabelle.
“Oh, really!” excited na turan ni Franco. Umupo ito sa tabi ni Isabelle at ipinatong ang kamay sa tiyan niya.
Bigla, isang banayad na paggalaw ang naramdaman ni Franco sa ilalim ng kanyang palad. Isang maliit, mahinang pagsipa.
Naramdaman ni Franco ang isang kakaibang saya sa kanyang puso habang hinahaplos ang tiyan ni Isabelle. “Wow, ang saya! Parang may mga buhay na naglalaro dito,” sabi niya habang nakatingin kay Isabelle na may ngiti sa kanyang mga mata.
Isinandal ni Isabelle ang kanyang kamay sa ibabaw ng kamay ni Franc