LOGINIsabelle Osorio is a strong, single, and independent woman ngunit desperada. Nasa bingit ng pagkawala ng lahat ng ari-arian ang pamilya niya at ng pagkakalubog nila sa utang. At ang solusyon? Kasal sa isang lalaking hindi pa niya nakilala ni minsan, isang milyonaryo na ang usap-usapan ay may pusong bato. Ngunit sa gabi ng kanyang bridal shower, namagitan ang tadhana. Hindi niya gusto ang kasal, ngunit hindi rin niya gusto ang magtaksil sa mapapangasawa niya—subalit nagising na lamang siya sa piling ng macho dancer na inarkila para sa bridal shower niya Isang gabing pagsinta at isang lihim na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang isang buwan, nagimbal siya sa balita na siya ay nagdadalang tao. Ngayon, nahaharap siya sa isang desisyong magpapabago sa buhay niya— ang pakasalan ang lalaking hindi niya mahal o yakapin ang hindi inaasahan at ipaglaban ang kanyang kaligayahan? He got her pregnant. But could he get her heart?
View More"LETS proceed, kailangan na natin magmadali. Sir, kailangan naming kunin ang dugo ninyo para sa cross-matching," ani ng doktor.Walang imik na sumunod si Franco sa doktor. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay maligtas ang anak nila ni Isabelle. Iniisip niya na maaaring ito ang paraan upang bigyan siya ng pagkakataon upang magpaliwanag at mapatawad ng dalaga.Pagkatapos isagawa ang cross-matching, dinala siya sa pribadong kuwarto kasama ang anak nila ni Isabelle. Nasa kabilang bed ang bata, halos isang dipa lang ang layo nila sa isa't isa. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang anak at tinititigan ito nang mabuti. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ito dahil hindi maitatanggi na anak niya ang bata dahil parehas sila ng hugis ng mukha at pati ang tangos ng ilong ay namana sa kanya."My daughter," bulong niya, at nang mga sandaling iyon ay tumulo ang kanyang mga luha.He is longing with his child, especially with Isabelle. He is hoping that this deeds is the passage to get close wit
TULOY-TULOY na naglakad si Franco papunta kay Isabelle. Nagngingit naman sa galit si Olivia habang tinitingnan niya si Franco. Umupo pa ito sa tabi ng kapatid at hinagod-hagod ang likod. "He is good in acting," angas ni Olivia at tsaka umalis. Sinundan naman ni Clint ang dalaga. Sigurado ang binata na galit ito. Hindi naman gusto nitong sabihin kay Franco ang tungkol sa nangyari sa isa sa mga kambal, nagkataon lang na nasa tahanan sila ng mga magulang nila upang maghapunan. Samantala, si Sabrina, katulad ni Olivia, ay masama ang tingin kay Franco. Tinanggal nito ang kamay ng binata sa likod ni Isabelle at tsaka niyakap ang kapatid. "You better leave, hindi ka kailangan ni Isabelle," ani ni Sabrina. Napangiti si Franco ngunit kita sa mukha nito ang pagkadismaya sa inasal ni Sabrina. "It seems you and Olivia are angry with me. But, I'm sorry—hindi ako aalis. Isabelle needs me at kailangan ako ng anak ko," mariing saad ni Franco. "Hindi mo kailangan magpaka-ama sa kambal. H
OLIVIA was staring at the ceiling, thinking about what happened between her and Clint. That kiss was like a lightning storm running through her veins. The moment Clint brushed his lips against hers, she didn't complain. She just let him kiss her. But that shouldn't have happened. Bakit hinayaan niyang mangyari iyon? Dapat hindi siya pumayag; ayaw niyang may isang Osorio na naman ang napapaikot ng mga Villanueva. "No! Hindi pwedeng mangyari ito." Pabalikwas siyang bumangon at naupo sa kama, tsaka humugot ng malalim na buntong-hininga. "What is happening to me? Bakit hindi mawala sa isip ko ang mga halik ng lalaking iyon!" Inis na tumayo siya at pinagmasdan ang buong siyudad mula sa itaas ng condominium na tinitirhan. Habang pinagmamasdan ang buong siyudad mula sa itaas ng condominium, napansin niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. Agad niya itong dinampot at sinagot ang tawag. "Olivia, I've been calling you many times and you didn't answer my call. Where the hell are you?" Galit
ISANG BUWAN ang binigay na palugit ni Olivia kay Clint upang suyuin siya. Araw-araw naman itong pinaparamdam ng binata. Mula sa maagang mensahe hanggang sa paghahatid ng kanyang paboritong kape tuwing umaga, na sinasamahan ng isang pirasong rosas at love notes. Kahit abala sa trabaho, laging may oras si Clint para sa kanya. Sa gabi naman ay lagi itong nakabantay sa paglabas niya sa opisina upang ihatid siya sa condominium na kanyang tinutuluyan. May pagkakataon na bigla na lamang siya nakatingin sa kawalan habang bumabalik sa isip niya ang pagpupursige ng binata upang makuha ang kanyang matamis na oo. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging teenager dahil sa ginagawa ng binata sa kanya; kung minsan ay napapangiti na lang siya nang walang dahilan. Kung pwede nga lang na tumili siya dahil sa kilig—pero hindi niya gagawin 'yon. Siya si Olivia Osorio: tough, firm, reserved, at isang babae na naniniwala na ang "true love" ay hindi umiiral. Palabas na siya ng opisina nang marinig ang
NAPATIGIL ang mundo ni Olivia ng mga sandaling iyon. Ang galit at pagdududa ay biglang naglaho, napalitan ng isang init na hindi niya maipaliwanag. Ang mga halik ni Clint ay parang apoy na kumukulo sa kanyang buong katawan, nagpapatibok ng puso niya nang mabilis at nagpapalabo ng kanyang isipan. Nang mga oras na iyon, hindi niya alam kung susundin ang kanyang isipan. Hahayaan niya bang malunod siya sa mga halik ng binata o mananaig ang prinsipyo niya, na wala ng Osorio na muling iibig sa isang Villanueva? Mas lalong idiniin ng binata ang mga halik sa kanya; siya naman ay parang istatwa lamang na nakatayo at hinahayaan ang ginagawa ng binata. Ang totoo ay nagugustuhan niya ito habang tumatagal. Hinapit ni Clint ang beywang niya, walang pakialam kahit pinagtitinginan sila ng mga tao sa loob ng coffee shop. Umugong ang bulong-bulungan, at ang mga mata'y nakatuon sa kanila. Nang huminto si Clint, hinihingal sila pareho. Ang mata ni Olivia ay puno ng pagtataka at kaba. "Clint," usal n
NAPAKUNOT ang noo ni Olivia nang makita ang isang pirasong rose na nakapatong sa kanyang table. Kinuha niya ang rosas at bahagyang idinikit sa kanyang ilong at nilanghap ang amoy nito. She's sure it came from Clint. Wala naman ibang magbibigay sa kanya ng bulaklak kung hindi ang binata lamang."Ahm, excuse me... napansin mo ba kung sino ang naglapat nito sa table ko?" tanong niya kay Matilde na kasama sa cubicle. "Nope, nandiyan na 'yan pagdating ko. Naku, girl, may suitor ka na!" panunukso nito."Shut up... baka nagkamali lang ng taong pagbibigyan," tanggi niya kahit alam niyang kay Clint ito galing,sabay buntong-hininga niya at inilagay ang rose sa empty bottle water, na nakapatong sa mesa."Hay... malay mo naman, isa sa mga katrabaho natin. Kapag nagyaya ng date, patulan mo na para magka-lovelife ka na," pambubuyo ni Matilde."Tumigil ka nga," saad niya na natatawa ngunit hindi maitanggi ang pagkairita sa kanyang boses."Hay, kung sino man 'yang manliligaw mo, ilalakad ko siya sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments