Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang huminto ang mundo ko nang makita ko sila Peter, Yeraz, at Miles.
Hindi ako pwedeng magkamali. It's them. I'm literally seeing them now.
"What the hell are you doing here?"
Si Miles ang unang nakapagsalita. His voice was shaky, as if he couldn't believe what he was seeing. His brows furrowed in confusion and something deeper—hurt? Relief?
"H-Holy shit..." bulong ni Peter, nangingilid ang mata. "It's really you."
Pero ang hindi ko kayang tingnan nang direkta ay si Yeraz. He wasn't saying anything, pero kitang-kita sa mga mata niya ang naglalagablab na emosyon. His jaw clenched. His fists tightened at his sides.
Gusto kong tumakbo sa kanila.
Gusto kong sabihin sa kanilang ilayo na nila ako rito, na tulungan nila akong makabalik.
Pero bago pa ako makagalaw, may mahigpit na kamay na pumulupot sa braso ko.
"Miles—"
"Madelaine." Madiing boses ni Tetsu sa tabi ko. His grip was firm—not painful, but a warning. "Don't."
Napalingon ako sakanya, naguguluha