HABANG nakahiga sa kanyang sopa hindi maiwasang mapatulala ni Maruja, iniisip kung paano nila sasabihin sa kanyang Ate ang relasiyon nila ni Adam. Bumuntonghininga siya at itinaas ang kang cellphone, nagdadalawang isip kung tatawagan ang kanyang Ate. Dahil alam niyang magagalit ito sa kanila.
Ngunit ilang sandali ay ibinaba din naman niya iyon, labis ang kanyang kabang naramdaman sa sandaling iyon. Paulit-ulit siyang bumuntonghininga hanggang sa mainis na siya. Bagot na bumangon siya mula sa pagkakahiga. Tumayo at akmang tutungo sa kusina upang kumain ng tumunog ang kanyang doorbell. Kunot ang noong nilingon niya ang pinto.
Nagsalubong agad ang kilay niya. Wala siyang inaasahang bisita ngayon. Umalis si Ziegfred dahil ito ang namamahala pansamantala ng kanyang kompanya. Hindi kasi siya nito hinayaang pumasok at baka mapaano pa ang baby niya.
“W-What are you doing here?” Nagulat siya ng pagbuksan niya ng pinto si Adam.
Nangunot ang noo nito bago nilibot ang paningin sa loob. “Bakit?