Nathaniel/Nathanelle
November 16, 2018
Mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan magmula ng.. Magmula ng pagkawasak na naman ng puso ko. Mahigit dalawang linggo naring naninirahan si Janelle at si Nathanie-- Nathanelle sa bahay..
At puro adjustments ang ginagawa ko, mas lalo akong nagigising ng maaga para ipagluto ang asawa ko at pati narin si Janelle.. Ni hindi na nga ako makapagsabay sa pagkain tapos ako din ang nagluluto ng pagkain ni Nathanelle, magtitimpla ng gatas niya, at minsan pa.. Pinapatulog siya..
Hindi naman ako umaangal at sa totoo lang kagustuhan ko din naman na pagsilbihan ang bata.. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi responsibilidad ko iyon.. At nakakaramdam din ako ng kasiyahan sat'wing ginagawa ko iyon.