Kinakalikot ko ang kuko ko habang nasa gitna kami ng byahe ni Bryan.
"Ano ba yung ipapakita mo sa'kin at kailangan talaga na ngayon agad?" tanong ko sa kanya.
Nilingon niya naman ako at saka ko lang napansin na para bang r-u-melax ang itsura niya. Kanina kasi ay parang tense na tense siya pero 'di ko lang pinapansin.
"S-secret nga lang yun." aniya.
Hindi naman na ako umimik pa. Ilang minuto lang ang nakalipas pero miss na miss ko na agad ang anak ko.
Hayy.. Don't worry baby, sandali lang naman si mommy eh.. Babalikan agad kita..
Napabuntong hininga ako