Chapter 35
Levi – POVFlashback – The Reason Why I Asked If She Needed Money“Daddy… I heard Yaya… talking to her sibling,” bungad ni Princess habang nakaupo siya sa kandungan ko, ang dalawang kamay niya nakahawak sa kwelyo ng polo ko na parang nag-aambang umiyak. “She said… she needs money… but Yaya don’t have money…”Napakunot noo ako noon. Nasa balcony kami ng private suite ko, tanghali, at kasalukuyan kong tinitingnan ang mga papers na dinala ng isa kong PA para pirmahan. Pero biglang pumasok si Princess—wala man lang katok, wala man lang paalam. Basta pumasok lang at agad umupo sa akin.Nabigla ako. Bakit ganito na lamang ka matured at ka concern si Princess kay Calista? Hindi ko rin alam kung anong pinakain niya sa aming dalawa ni Princess at ang bilis naming lumambot sa kaniya.“Wait, what do you mean?” tanong ko habang maingat kong inalis ang baso ng tubig sa mesa para hindi matabig ng anak ko.“She was talking in the hal