LOGINTahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
View MoreAuthor's Note 🌹✨Hi loves! 🥺💖Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pasasalamat ko sa inyo. Sa bawat oras na naglaan kayo para basahin ang kwento nina Levi at Calista, sa bawat comment, vote, at simpleng pag-scroll—lahat ‘yon ay may malaking halaga para sa akin. Kung wala kayo, hindi aabot sa ganito kalayo ang Book 1. 💕Ngayong nasa dulo na tayo ng kanilang unang yugto, ramdam ko ang bigat at saya sa dibdib ko. Bigat, kasi bitin ang lahat—may mga lihim pa ring hindi nabubunyag, may mga damdaming hindi pa nasasagot, at may mga sugat na hindi pa naghihilom. Pero saya rin, kasi natapos natin ang isang kabanata na puno ng luha, sakit, pagmamahalan, at pag-asa. 🥹Gusto kong ipaalam sa inyo na dito ko muna tatapusin ang Book 1. Oo, bitin siya, kasi ganun talaga ang buhay—laging may kasunod na pahina, laging may kasunod na laban. At para sa atin, ang kasunod na pahinang iyon ay matatagpuan sa Book 2.Pero, may isang hiling lang ako. Kung mararating natin ang 30,000 views, doon ko si
Chapter 161Calista’s POVMainit. Mabigat. Parang nilulunod ako ng sariling katawan habang pilit kong binubuksan ang mga mata ko. May mahinang tunog na umaalingawngaw sa paligid—mga makina, mga beep, at ang malamig na hangin ng aircon. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at sinalubong ako ng maputing kisame. Saglit akong naguluhan.Nasaan ako?Nilingon ko ang paligid—pader na puti, kurtinang asul, at malamig na amoy ng alcohol. Hospital… bulong ko sa isip ko. Mabilis akong kinabahan. Biglang bumalik sa isip ko ang huling naramdaman ko—ang matinding sakit sa tiyan, ang kirot na halos ikahiyaw ko ng malakas.Agad kong tinutop ang tiyan ko. “Baby…” halos hindi lumabas ang boses ko, paos at mahina. “Nasaan… nasaan ang anak ko?”Mabilis na bumukas ang pinto, at dumating ang Mama ko. Hawak niya ang kamay ko, mabilis na lumapit. “Anak! Thank God, you’re awake.”Nanlalabo ang mata ko, hindi ko alam kung dahil sa luha o dahil sa
Chapter 160Pagkababa pa lang ni Levi sa kotse at makapasok sa bahay ay sinalubong agad siya ng malamig na boses ni Elise. Nakatayo ito sa may sala, nakapamewang, at matalim ang tingin sa kanya na para bang alam na alam nito ang pinagmulan niya.“Saan ka galing?” tanong ni Elise, diretsahan, walang pasakalye.Natigilan si Levi. Hindi niya agad masagot. Ramdam niya ang bigat ng katawan niya mula sa mahaba at pagod na biyahe, ngunit higit pa roon, ang bigat ng konsensya at emosyon na iniuwi niya mula America. Napahilot siya sa sentido, saka marahang bumuntong-hininga.“Elise…” tanging nasabi niya, ngunit agad siyang pinutol ng babae.“Don’t ‘Elise’ me, Levi!” mariing saad nito, lumapit pa sa kanya. “Alam ko kung saan ka nanggaling. Don’t even try to deny it. Your eyes, your face—hindi mo kaya itago sa akin. Pumunta ka sa America, hindi ba? Hinanap mo si Calista.”Nanlamig ang buong katawan ni Levi. Hindi na niya kailangang magtaka
Chapter 159“Elise,” mahina kong sambit, pero mariin, “nasa ospital kanina si Levi.”Nagtagal ang katahimikan. Ramdam ko ang pagkabigla niya kahit hindi ko siya nakikita.“What?!” halos pasigaw niyang tugon. “Anong ginagawa niya diyan?”Huminga ako nang malalim. “Pumunta siya dito sa America. Hinanap niya ang ospital kung nasaan si Calista. At… nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng kama ng anak ko.” Napakagat ako ng labi, pinipigilang lumuha. “Pero pinaalis ko siya. Sinabihan ko siyang bumalik na sa Pilipinas bago pa magising si Calista.”Narinig ko ang mahabang buntong-hininga ni Elise sa kabilang linya, kasunod ang mariing boses na puno ng galit. “Dapat lang! He doesn’t deserve to be there. Hindi niya karapat-dapat makita si Calista pagkatapos ng lahat.”Tahimik lang ako sandali. May parte sa akin na sumasang-ayon kay Elise, pero may parte rin na nakakaunawa sa pinanggagalingan ni Levi. Nais kong protektahan si Calista, pero ramd
Calista’s POV“Ahhh!” Muli akong napasigaw habang yakap-yakap ang tiyan ko. Para bang pinupunit ang loob ko at hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang sakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Manganganak na ba ako? Pero… five months pa lang!Agad akong sinaklolohan ng kapitbahay na naka-rini
Chapter 148 – Calista’s POVMahigpit kong hinawakan ang strap ng sling bag ko habang papalapit ako sa pintuan ng clinic. Huminga ako nang malalim, pinipilit pakalmahin ang dibdib kong kanina pa kumakabog. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kaba ko sa araw na ito—marahil dahil ito ang ika-5 buwan n
C h a p t e r 148 - (Levi’s POV)Pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko ay para na akong isang makina na pinipilit gumana kahit nauupos na ang enerhiya. Isang linggo na mula nang bumalik si Elise sa opisina ko bilang business partner at halos araw-araw ay punô ng meeting, proposal, a
Chapter 147Levi’s POVAng ingay ng opisina ay parang walang tigil na alon na bumabangga sa’kin. Ang bawat tunog ng telepono, bawat pag-click ng ballpen, bawat pagbukas ng pinto ng conference room ay parang isa pang patong ng bigat sa balikat ko. Simula pa kanina ay hindi n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore