author-banner
yshanggabi
yshanggabi
Author

Novels by yshanggabi

The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Read
The Billionaire's Private Tutor

The Billionaire's Private Tutor

"Ms. A paano ba patindigin ang balahibo ng babae? Anong dapat kong gawin?" "Search mo" sagot ko "Ms. A paano ba simulan ang s*x?" "Hulaan mo" sagot ko "Ms. A paano mag f*nger? Yung mapapapikit sa sarap yung babae?" "Ip*sok mo buong kamay mo" sagot ko "Ms. A ito na ang final performance ko" "Ede maganda" "Miss A! Miss A!" Mahal na ata kita Kylus, pero nakatali ka na sa ibang babae kaya wala akong magagawa. Isa lang naman akong s e x t u t o r para sayo
Read
The Billionaire's Mere Dare

The Billionaire's Mere Dare

Atenna Baguinaon doesn't believe in true love because for her, there's no such thing as true love; everyone just desires gratification. As she puts it "Wala naman talagang totoong nagmamahal sa akin, dahil lahat sila ay nagnanasa lang. Pati nga pamilya ko eh" However, her perspective shifted upon encountering the Billionaire' Justin Jay Olarte, a gentleman inclined towards playful endeavors and daring exploits. In an unforeseen sequence of events, she found herself becoming the sole target of his challenges. Yet, what if she emerges as the unwitting victim? Are these mere dares, or has reality taken its course?
Read
The Forgotten Zillionaire

The Forgotten Zillionaire

Sa isang maliit na isla na tinatawag na Tabon nakatira si Lavender, isang simpleng dalagang sanay sa tahimik at payak na buhay. Isang gabi, habang inuutusan siyang puntahan ang kaniyang ama sa dalampasigan, natagpuan niya ang isang estrangherong lalaki—basang-basa, sugatan, at halos walang malay. Tinulungan niya ito at doon niya natuklasang wala itong maalala—hindi kung sino siya, saan galing, o kahit ang sariling pangalan. Ngunit isang bagay ang siguradong malinaw: hindi siya ordinaryong tao. Sa mamahaling suot, ginto niyang relo, at tindig na tila sanay sa karangyaan, malinaw na malayo ang pinanggalingan niya sa simpleng mundo ni Lavender. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting nabuo ang isang koneksyon sa pagitan nila, kahit hindi alam ng lalaki ang sarili niyang nakaraan. Ang hindi alam ni Lavender—ang lalaking sinagip niya ay si Adrian Zevion Alcantara, ang nawawalang tagapagmana ng isang malakihang negosyo sa siyudad, na tinutugis ng mga taong gustong kontrolin ang yaman at kapangyarihan ng kaniyang pamilya. Ngunit sa muling pagbabalik ng kaniyang alaala, kailangang pag-desisyunan ni Adrian kung saan siya kabilang—sa marangyang mundong pinagmula niya o sa simpleng buhay na nagbigay sa kaniya ng bagong dahilan para mabuhay… at magmahal.
Read
ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire

ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire

Alejandro Brothers Series #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire Ako si Lileanne Monteverde, and I pretend to be my stepsister Marga to marry the billionaire. Ginawa ko ito hindi dahil gusto kong agawin ang buhay niya, kundi dahil kailangan ko ng pera para sa tuition fee ko. Wala na akong ama, at hindi man lang ako binigyan ng parte sa naiwan niyang ari-arian. Kaya kahit labag sa loob ko, tinanggap ko ang alok ni Marga kapalit ng malaking halaga — isang kasunduang magpanggap ako bilang siya, upang makilala ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Until I slowly fall in love with the billionaire, Ziven Alejandro... Hindi ko inakalang sa likod ng pangalan, yaman, at seryosong tindig ay may lalaking marunong makinig, umunawa, at magpahalaga. Mas lalo akong nalito nang maramdaman kong masarap palang mahalin — kahit alam kong hindi ako dapat masangkot. Paano kung ang puso ko’y pumili sa gitna ng kasinungalingan? At kung malalaman ni Ziven Ang katutuhanan, na nagpapanggap lang ako? Tatanggapin at mamahalin niya pa rin ba ako?
Read
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status