Maghanap
Library
Home / Romance / The Billionaire's Contracted Wife / Chapter 4: The Kiss

Chapter 4: The Kiss

Author: Jenny
2025-06-20 19:18:28

Halos ipagtulakan pa ako ni madam Luz, halata naman kilig na kilig ito. Naku naman, kinikilig pa siya sa edad niyang 'yon?

Madam Luz kung alam mo lang talaga ang totoo, hindi ka talaga nakakatawa at hindi mo magagawang kiligin.

Hindi ko rin naman naisip noon na magkikita pa kami. Sinira ko lang naman ang kasal niya, kaya ngayon ako na ang pakakasalan at aanakan pa.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Magpapakasal na tayo," aniya kaya napamura ako.

"Aba't ilang oras pa lang simula ng tanggapin ko 'yong deal mo. Kasal na agad. Ano 'to, rush wedding? Takot kang takasan ng bride?" Natatawa pero naiinis kong wika.

"I'm deadly serious. And don't worry, civil wedding lang ito. Mom and dad don't even know my plan. Pauwi na kasi sila bukas ng hapon, that's why we need to double time."

Para akong nahilo sa sinabi niya. Civil wedding na wala ang parents? Ide dapat gumawa na lang siya ng fake marriage contract.

"Why don't you make a fake marriage contract?"

"Matalino si papa, tingin mo makakaya kung lusutan iyon?" Diretso lang sa kalsada ang tingin niya. "Kung hindi mo sana ginulo ang kasal ko noon, ide sana hindi kita ginugulo ngayon. Kasalanan mo rin naman," paninisi niya.

"Oo na sige, kasalanan ko na. Magbabayad na nga sa kasalanan 'di ba?" pabulyaw kong sagot. Kung kanina nanginginig ako sa takot sa kaniya, ngayon sobrang inis na ako na para bang sasabog ako ano mang oras.

"Mag asawa tayo kapag nasa bahay, malaya ka kapag nasa labas. Hindi kita hihigpitan at hindi rin kita papaki-alaman." Muli siyang nagsakita pero blanko lang ang mukha nito.

"Mas maganda nga iyan."

Nakarating kami sa isang malaking bahay. May isang tao na naghihintay sa loob. Halos tulala lang ako sa buong ceremonya. Tango na nga lang ang tanging naisasagot ko sa tuwing tinatanong ako.

"Pirmahan mo na," utos ni Lawrence.

"Nagmamadali? Pipirma naman ako, akin na nga iyang ballpen," inis kong turan.

Nagmamadali masyado eh nagbabasa pa nga ako. At isa pa, sino iyong mga ninong at ninang na inilagay niya? Wala naman iyon dito.

"Aba Bro, ayusin mo lang na mapapasunod mo iyan. Baka mamaya ilaglag ka kay tito," wika ng lalaki. Aba't magkaibigan pala sila.

Nang mapirmahan ko na, lumawak ang ngisi ni Lawrence. "You're now my wife, Katherine Del Vega or should I say Mrs. Llego," aniya kaya napakagat-labi na lang ako at inirapan siya.

"By the way, I am Jay Caparas, the Mayor of this town," ani ng lalaking nagkasal sa'min.

Nginitian ko lang siya, sandali pa ay kinausap niya si Lawrence.

Mayor pala itong kaibigan niya. Talagang maimpluwensiya nga sila. Mali pala ang binangga ko.

"Oh siya, we have to go home. Thank you bro," ani ni Lawrence at hinawakan ako sa kamay.

"Teka lang, bakit nanhahawak ka ng kamay?" reklamo ko kaya naman itinaas niya yong marriage contract namin.

"May karapatan na akong hawakan ka, kahit saan. Wala kang kawala sa'kin."

Napalunok nalang ako ng tatlong beses. Gusto kong isipin na nananaginip lang ako, o 'di kaya'y binabangungot.

"Don't be nervous, Kath. I'm a gentleman," aniya pero nauna na akong maglakad pabalik sa kotse.

Mukha niya, gentleman. Pero, bakit ba sobrang lakas ng kabog nitong dibdib ko. Naiinis ako sa kaniya, pero bakit kakaiba naman ang dikta ng puso ko.

"Wala ka bang gustong bilhin bago kita dalhin sa bahay?"

Nataranta ako nang sabihin niyang dadalhin na niya ako sa bahay nila. Paano si lolo? Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi na ako makapag isip ng maayos.

"Teka lang naman, Mr. Lawrence. Dala agad sa bahay niyo? Hello, may lolo pa akong kasama sa bahay ano. Alangan naman na pabayaan ko na lang siya doon," inis kong baling sa kaniya.

"I sent caretakers to your house. Call your lolo to confirm it."

Napanguso naman ako at napakunot-noo. Pinagplanuhan ba niya ang lahat ng ito? Hindi kaya, may plano siyang gumanti sa'kin? O mas malala pa sa inaakala ko?

Gaya ng sabi niya, tinawagan ko nga si lolo para alamin kung totoo ba yong sinasabi niya. Ilang ring lang ay kaagad na sumagot ito.

"Oh apo, ano kumusta ka riyan? Huwag kang mag alala dito sa akin, inaalagaan nila ako."

"May kasama ho kayo diyan sa bagay?"

"Oo apo, nandito sina Liday at Thomas. Pinapunta raw sila dito ng bago mong Boss," ani ni lolo. Napatingin naman ako kay Lawrence na busy sa pagmamaneho.

"Mabuti naman po lolo kung ganoon. Iyong mga gamot niyo ho, huwag niyong kalimutan na inumin."

"Oo apo. Huwag kang mag alala. Malakas na ang lolo mo. Basta't mag-iingat ka lagi ha."

"Para sa'yo lolo, mag-iingat ako lagi. I love you po, bye."

"Ako, wala bang I love you, honey my love?" Biglang huminto siya sa pagmamaneho at humarap sa'kin.

"I-I love you? Sa'yo? B-bakit, mahal ba kita?" Nauutal man pero buong tapang ko parin iyong sinabi.

"Paano kung mahulog ka sa'kin ng tuluyan, handa ka ba?" Ngumisi siya, pero bakit ang guwapo niya pa rin? Ang mga mata niya ay mapupungay, ang kaniyang mga labi ay hindi halata na nagsisigarilyo siya. Aaminin ko, he is atractive at 'yong mga titig niya ay literal na nakakaturn on.

"Huwag kang matakot na mahulog, handa naman kitang saluhin. Ikaw pa ba na kamukha ng nobya ko, baka nga ikaw talaga siya," bulong niya sa tainga ko. Dahil dito, nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ang init ng hininga niya, pero mabango.

Halos hindi na ako makagalaw. Halos kumawala 'yong puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. "Ah, ano ba. Umuwi na tayo," pinilit kong magsalita.

"Nagmamadali ka ba? O natatakot ka lang sa p'wede kong gawin, my virgin wife?"

"Sira ulo, umayos ka nga ng upo." Tinangka ko siyang itulak pero malakas siya. Hinawakan niya lang ang kamay ko at inamoy ito.

"Your scent is too sweet, Kath. How about down there?"

Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "You pervert!" singhal ko pero bahagya niya akong itinulak at isinandal sa upuan. Then he slowly pulled himself closer to me. Napapikit ako nang kusa nang maramdaman kong dumampi sa labi ko ang mga labi niya.

He kissed me passionately. Akala ko simpleng kiss lang at hihiwalay na siya, but I was wrong. Mas lumalalim ang halik niya and his hands are starting to travel around my body. To the max ang kaba ko, hindi ko alam ang gagawin ko. This is my first time to experience such things. He is my first kiss.

"Kiss me back, my wife. This isn't a sin, because we are married."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App