Haunted by the loss of his fiance, Lawrence is drawn to Katherine not only for vengeance, but also because she shares an uncanny likeness to the woman he lost. As secrets unravel and emotions flare, Katherine begins to doubt everything—including her past, her identity, and the man who now calls her his wife. In a world intertwined with deception, power, and a twisted type of love, can two shattered souls discover truth, or will their link destroy them both?
View MoreKatherine's POV
"Itigil ang kasal! Hindi ako papayag na makasal ka sa babaeng hindi mo naman mahal. Love, sabi mo ako lang ang papakasalan mo. Nangako ka sa'kin na ako lang ang mamahalin mo!" Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng kapilya. Lahat ng mata ay sa'kin nakatingin. Aaminin ko, nakakahiya itong ginagawa ko, pero wala na akong ibang choice. "Who is that girl, Lawrence?" Nagtatangis bagang na wika ng isang matandang lalaki. Sa tingin ko, siya ang ama ng groom. Tinitigan ako ng groom at dahan-dahan itong bumaba. Papalapit siya ng papalapit sa'kin at kusa naman akong umaatras. "Kath." Natigilan ako dahil binanggit niya ang pangalan ko. How did he know my name? "Katherine is dead. Hindi 'yan si Kath, Lawrence. Baka impostora ang babaeng iyan. Gusto niya lang sirain ang kasal natin!" Galit na sigaw ng bride at lumapit sa'kin. "And who told you that I'm dead? Kita mo naman na nagsasalita ako at nakatayo," ani ko pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. "I'm here to claim what's mine." "Ano'ng kalokohan ito? Nakita namin na inilibing ka na! Lawrence, you have to marry my daughter!" Isang ginang ang nagsalita at lumapit sa anak na ngayo'y umiiyak na. Nakokonsensya sa totoo lang. Kung hindi ko lang kailangan ng malaking pera, hindi ko ito gagawin. "Patay ka na!" Buong sistema ko ay nagulat nang itulak ako ng bride pero kaagad naman akong sinalo ng groom na Lawrence daw ang pangalan. "Don't you dare hurt her, Abegail!" Hinila niya ang babae at pinanlakihan ito ng mata. "The wedding is over." Malaming ang boses niya at walang emosyon na makikita sa kaniyang mga mata. "Are you serious, son? Katherine is dead, hindi natin alam kung sino ang babaeng iyan," his dad speak once again. Sino'ng Katherine ang sinasabi nilang patay na? Magkamukha ba kami ng Katherine na iyon, para malito sila? Kinabahan tuloy ako. "P-patay na ako? So you all want me to die?" Umiyak ako sa harapan nila, oo magaling ako sa acting, kulang na lang mag artista ako. "If that so, pagbibigyan ko kayo." Iyan na lang ang naiiisip kong salita para makatakas na ako dito. Tumakbo ako palabas ng simbahan kaya lang naabutan ako ni Lawrence. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Please don't go, love. I missed you so much." Hindi ako nakagalaw na tila naparalisa ang mga paa ko. Ang puso ko ay nagwawala, at biglang sumakit ang ulo ko kaya napakapit ako sa kaniya ng mahigpit. "Are you alright?" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "I'm sorry Mr. Lawrence for ruining your wedding, but I am not Katherine that you know," ani ko at tumakbo ako ulit papalayo sa kaniya. Muli akong lumingon at kitang-kita ko sa mata niya ang sobrang lungkot. "Sakay bilis!" Pumarada sa harap ko ang itim na kotse kaya kaagad akong sumakay na hinihingal. "What happened?" Kaagad akong binigyan ni Sir Anthony ng tubig at tissue. "I think I ruined everything not just the wedding." Umiling-iling ako at huminga ng malalim. "The plan is effective," dagdag ko. "Very good! Gaya ng sinabi ko, isang milyon ang ibabayad ko sa'yo. Sapat na iyon para maipagamot ang lolo mo at pwede ka na rin makapag-aral." Sana mapatawad nila ako sa nagawa ko. Pangako, babalik ako para klaruhin ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko munang ayusin ang dapat kong ayusin. "Do you know them?" Baling ko kay Sir Anthony na tahimik lang sa pagmamaneho pero kitang-kita sa mata nito ang saya. "Very well. Sila lang naman ang sumira sa buhay ko noon." "Do you know Katherine too? Kamukha ko ba siya?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong, knowing na kilala niya ang pamilyang iyon. "Katherine, ikaw si Katherine." Umiling ako at tumawa. " I mean, yong ex-girlfriend yata ni Lawrence. Ang sabi nila patay na daw siya." Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ko nang bigla siyang pumreno. "Bakit? May nasagasaan ba tayo?" taka kong tanong pero tumingin lang siya sa'kin at umiling. "Naalala ko, bukas na pala ang flight ko pabalik sa America. May I ask your number? Malay mo pagbalik ko, kunin kitang personal assistant," wika niya at ngumiti. I sense something weird. Alam kong may alam siya kay Katherine, ayaw niya lang sabihin sa'kin. Halata naman na iniba niya lang ang usapan namin para ma distract ako at hindi na magtanong. Gaya ng hiling niya, ibinigay ko sa kaniya ang cellphone number ko. Maganda din naman ang alok niya, in the future malay mo totohanin nga niya. "Imagine nagkita lang tayo sa restaurant tapos ngayon ikaw pala ang makakatulong sa'kin na maghigante sa pamilyang Llego." Ngumiti siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Sana hindi ka mahanap ni Lawrence. Lumipat kayo sa ibang lugar pagkatapos ng operasyon ng lolo mo." "Iyon din ang iniisip ko. Kinakabahan ako na baka hanapin niya ako. I don't even know a single detail about them. Wala akong alam kung ano ang kaya nilang gawin sa'kin." "For you to know, Lawrence is a billionaire. Nag iisang anak lang siya and his father is a Mafia." Tulala ako nang iwan ako ni Sir Anthony. Ang salitang naiwan sa isip ko ang ang billionaire at mafia. "Apo, ayos ka lang ba?" Tinapik ako ni lolo at naupo siya sa tabi ko. "Kung inaalala mo naman ang pera para sa pagpapagamot ko---" "Lolo, maipapagamot na po kita. Sa susunod na Linggo na ang schedule mo sa operasyon kaya magpalakas ka," ani ko kaya nagbago ang expressiyon niya. "Katkat, saan ka kumuha ng pera?" Basag ang boses niya at nanggigilid ang mga luha. "Mas gusto ko pang mamatay na lang kasya--" "Lolo, may tumulong sa'tin. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano." Niyakap ko siya at tinapik ang balikat. "Ang suwerte ko sa'yo apo, siguro kung buhay pa ang kambal mo mas masaya sana tayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni lolo. May kambal ako? "Baby pa lang siya ng mawala. Bagyo noong nanganak ang mama niyo. Kami lang ang magkasama doon sa hospital at ikaw lang ang nailigtas ko. Sabay silang nawala sa'kin, ikaw na lang ang mayroon ako."Malalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang
“Mahirap ang ganitong code, Kath. Hindi kasi ito basta-basta lang,” wika ni Boboy habang hawak ang tela na ipinakita ko. Napapakamot siya sa batok, pero titig na titig sa nakasulat dito.“Talaga ba? Pero kaya mo naman yan i-solve ‘di ba?”Nag aalanganin siyang ngumiti saka umiling. “Hindi ako sure kung kakayanin ko,” sagot niya kaya napa kunot noo naman ako.“Bakit naman? Pulis ka ‘di ba? At sabi ni Lawrence mahilig ka sa mga ganiyan simula noong mga bata pa tayo,” sagot ko naman na hindi makapaniwala sa naging sagot niya.“Susubukan ko, pero hindi ko pa ito magagawa ngayon. Isa pa may ibang bagay na ibinilin ang asawa mo. May pinapahanap din siya sa’kin, kaya sana maintindihan mo Katkat,” paliwanag niya kaya kinuha ko na lang mula sa kamay niya ang sulat.“Sige, may ibang araw pa naman,” sagot ko at tumango naman siya.“By the way, are you related to Anthony?” Nabigla ako sa naging tanong niya. Bakit biglaang naisingit si Anthony sa usapan namin? “Kaibigan siya ng asawa ko, at ako
I decided to call Lawrence. Ilang dial pa ako, pero hindi niya naman sinasagot ito. Naibato ko na lang sa kama ang cellphone ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Maya-maya pa, biglaang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lawrence na malapad ang ngisi. Ano’ng ginagawa niya dito? Akala ko ba on travel siya?“Love, we found your grandfather,” masaya niyang balita kaya naman umatras ang inis ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Where is he?” “Dinala ko na muna siya sa probinsiya niyo, pero ang problema, hindi siya nagsasalita. Ang plano ko na lang sana ay dalhin ka na rin muna doon. Ikaw na muna ang magbantay sa kaniya, while nasa travel ako. Mas mabuti doon, alam kong safe ka.”“Sa probinsiya?” Para bang nakaramdam ako ng excitement nang banggitin niyang dadalhin niya ako sa probinsiya kung saan ako lumaki, pero bigla naman itong nabawi nang mapagtanto ko ang sinabi niya tungkol kay lolo. “Bakit hindi siya nagsasalita? Saan niyo ba siya nakita? May nanakit ba sa kaniya? Oh my goodness. L
Napahawak ako sa ulo ko ng biglaan na naman itong sumakit. Sakit na parang hindi pangkaraniwan. Naupo ako sa kama ng dahan-dahan pero pakiramdam ko, nagdidilim ang paningin ko. “H-help,” I uttered but I know, no one can hear me.Bigla akong nagising na para bang nasa dalampasigan ako. Naririnig ko ang bawat paghampas ng alon. Bumangon ako ng dahan-dahan at napagtanto kong sa buhangin pala ako nahiga. Teka, bakit ako nandito? Nasa kwarto ako kanina, paano’ng napunta ako sa dalampasigan?“Hanapin niyo siya, huwag niyong hayaan na makatakas pa ang babaeng iyon!” Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa hindi kalayuan. Kaagad naman akong kumilos at naghanap ng mapagtataguan ngunit saka ko rin lang napansin na may sugat pala ako sa paa. Napatingin ako sa damit ko, I never dress like this. “Huwag niyong hayaan na makalayo siya. Halughugin niyo ang buong isla!” Sa malapitan, nakilala ko kung sino siya. It is Anthony. May hawak siyang baril at kasama niya ang kaniyang mga tauhan. “S
Nagmistulang tuod ang mga paa ko nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “Bakit ka nandito?” ramdam ko ang galit sa tono ng kaniyang pananalita.“I just came here to meet Gwen,” pagsisinungaling ko.“And you didn’t ask my permission first?” “Bakit? Umalis ka rin naman na hindi manlang nagsabi kung saang lupalop ka ng mundo pupunta,” sagot ko at tumayo ng padabog.“Boss, we’re just having a snack. Wala naman yatang masama,” sabat pa ni Gwen.“At isa ka pa. You filed for a week leave, right?” Tinuro niya si Gwen kaya tumango naman ito.“Hindi lang 1-week ang ibibigay ko sa’yo. Hindi ka na babalik sa opisina ko, you’re fired!” Hinila ako ni Lawrence palayo kay Gwen. “Ano ba Lawrence! Hindi naman yata makatarungan ang ginagawa mo. Walang kasalanan si Gwen, bigla mong tatanggalin?”“It’s okay Kath, hindi ko na rin naman kaya pang magtagal sa kompaniya ng asawa mo. Masyadong toxic at hindi mo alam kung sino ang pweding sumaksak sa’yo patalikod,” ani n
Kinagabihan, nagpanggap akong tulog pero pinakikiramdaman ko lang ang mga kilos ni Lawrence. Hindi siya nagpaalam sa’kin na aalis siya this night, pero umaasa ako na gigisingin niya ako para ipaalam sa’kin ang lakad niya.Naramdaman ko na lang na sumarado na ang pinto, at nang magmulat ako ng mata, wala na siya. Umalis na hindi man lang nagpaalam. Makatarungan ba iyon? Nagmadali akong nagbihis at dahan-dahan na bumaba. Sa likod ng mansion din ako dumaan, mabuti at naiwan lang ni Lawrence sa aparador ang susi ng gate sa likod. Buti dito, walang bantay kaya siguradong makakalabas ako ng walang nakaka pansin sa’kin.“Anak, sorry kung pasaway ang mommy mo ha. Ngayon lang naman ito,” wika ko habang nakahawak sa tiyan ko. Naglakad lang ako papunta sa café na sinabi ni Gwen. Nasa labas pa lang ako ay tanaw ko na siyang nakatayo sa labas na may hinihintay. Nang mapansin niya naman ako ay kaagad itong kumaway habang ngumingiti.“Ayos ka lang? Parang hingal na hingal ka yata,” aniya at inalal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments