Chapter: Chapter 6: That Kiss[JIRO DEL FIERRO]"Malaki ang maitutulong ng kompanya nila Samantha, sa kompanya natin. Bakit biglaan ang naging desisyon mo, Jiro?""Just let me do what's right. Huwag mo ng panghimasukan ang personal kong desisyon," malamig na tugon nito sa ama. "Don't tell me you fall in love to that girl you just met somewhere."Bahagyang natigilan si Jiro at muling nagflash sa kaniyang memorya ang unang tagpo nila ni Mirabelle. The moment she accidentally kissed him. For Jiro, it wasn't an ordinary kiss at all. Marami na siyang nahalikan na babae, but Mirabelle's kiss hits different."Falling in love can't be registered on my vocabulary. You know it dad. It's you who teach me not to love," aniya at hinarap ang ama na ngayon ay naka di kwatro pa."Mabuti. Pero ngayon, ano naman ang maitutulong ng babaeng iyan sa paglago ng negosyo natin?""Belle is not just a simple girl, don't dare underestimate her." Hindi niya mapigilan na pagtaasan ng boses ang ama dahil sa pakiramdam niyang, iniinsulto nito
Terakhir Diperbarui: 2025-07-31
Chapter: Chapter 5: His Father Umaga na, ngunit nanatiling mabigat ang pakiramdam ni Mirabelle. Halos hindi siya nakatulog buong gabi, hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan. Sino ba talaga si Jiro Del Fierro sa likod ng maskarang kanyang isinusuot sa publiko? Lumabas siya ng kwarto para uminom ng tubig, ngunit paglapit niya sa kusina ay nadatnan niyang may tao na roon—si Jiro. Nakasuot ito ng simpleng gray shirt at sweatpants, basang-basang buhok na tila bagong ligo, at may hawak na tasa ng kape. Nagulat din ito sa kanyang pagdating. Sandali silang nagkatitigan. Walang salita. “Good morning,” bati ni Mirabelle, bahagyang inilayo ang tingin. Naiilang man siya, pero hindi rin naman niya kayang tiisin ang sobrang katahimikan. “Maaga kang nagising,” sagot ni Jiro, saka muling humigop ng kape. “Couldn’t sleep.” Tahimik na tumango si Jiro. Akala ni Mirabelle hanggang doon nalang ang pag uusap nila. Pero laking gulat niya nang bigla itong mag-alok. “Gusto mon
Terakhir Diperbarui: 2025-07-23
Chapter: Chapter 4: The tensionThe silence in the Del Fierro mansion was suffocating.Mirabelle stood by the massive window of the guestroom which is now her room, for now, gazing out at the immaculately trimmed garden. Everything about this place screamed power and control. From the high ceilings down to the marble tiles, it was a palace fit for a king… or in this case, a billionaire kingpin like Jiro Del Fierro.She exhaled sharply, the contract weighing heavily on her shoulders. She didn't expect this coming. Maya-maya pa ay may kumatok mula sa pintuan. "Come in," she said. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na babae na naka uniporme ng itim. "Good morning, Ma’am Mirabelle. Sir Jiro instructed me to prepare you for your first public appearance as his fiancée. There’s a charity gala this evening.”Napatayo si Mirabelle at tila gulat na gulat. “Tonight? I didn’t know we were already—”“Mr. Del Fierro said it's time to make the engagement public.”Her stomach twisted. Nagsimula na naman siyang kaba
Terakhir Diperbarui: 2025-07-23
Chapter: Chapter 3: Under the Same RoofIlang araw na ang lumipas simula nang pumirma si Mirabelle ng kontrata bilang substitute fiancée ni Jiro Del Fierro, pero parang taon na ang lumilipas sa pakiramdam niya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya animo'y dinaganan ng mabigat na bato. Mas gugustuhin na lang niyang magtrabaho sa hospital kaysa tumira sa isang mansion na mukha naman siyang nakatulong. Ang bawat umaga ay punong-puno ng tensyon. Ang bawat gabi ay puno ng tanong, lalo na’t wala pa rin siyang balita mula kay Bryan, ang tunay niyang boyfriend na tila naglaho nang parang bula. Mula sa simpleng buhay probinsyana, ngayon ay kasama na niya ang isa sa pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa, isang lalaking maangas, mapanakit, at misteryoso. At ang pinakamasaklap, hindi niya alam kung anong puwedeng gawin nito sa kanya sa oras na mainis o mawalan ng interes. Nakakatakot ang awra ng nag iisang Jiro Del Fierro, ngunit hindi niya maikaka ila ang kagwapuhan nito, na tila hindi bumabagay sa pangit na pag uugali.“From now on, y
Terakhir Diperbarui: 2025-07-23
Chapter: Chapter 2: The Contract Hindi pa rin makapaniwala si Mirabelle sa mga nangyayari. Isang araw lang ang lumipas mula nang dumating siya sa Maynila, pero parang gumuho na ang buong mundo niya. Tila ba gusto niya na lang isipin na nananaginip lang siya.From a simple doctor who only wanted to surprise her long-distance boyfriend, she is now trapped in the mansion of Jiro Del Fierro, the cold and intimidating billionaire she mistakenly kissed.Nasa loob siya ngayon ng isang malawak at marangyang silid. Marble floor, chandeliers, elegant na mga painting sa bawat sulok, pero kahit ganoon kaganda ang paligid, ramdam niya ang lamig at panganib sa bawat hakbang niya sa bahay na ito. She would rather stay in a simple room. “Ito ba ang magiging kulungan ko?” tanong niya sa sarili habang iniikot ang paningin sa loob ng silid. Maya-maya, bumukas ang pinto.Pumasok si Jiro na naka-itim na long sleeve, naka-bukas ang unang dalawang butones, at may dalang folder.“Bihis,” utos nito. “May pipirmahan tayo.”Para siyang bata
Terakhir Diperbarui: 2025-07-23
Chapter: Chapter 1: Wrong Guy Mainit ang sikat ng araw nang bumaba ng bus si Mirabelle Santos sa Maynila. Sa isang kamay ang maliit niyang luggage, sa kabila ang cellphone na walang tigil sa pag-check ng address na ipinadala ng boyfriend niya. Malawak ang kaniyang ngiti at animo'y nanalo siya sa loto dahil sa saya niyang nararamdaman. After two years of long-distance relationship, finally, makikita na rin niya ang lalaking unang nagpatibok sa puso niya, it's Bryan. "Block 10, Unit 5… Ito na yata ‘yun," bulong niya sa sarili habang naglalakad. Sa wakas, makakatikim na rin siya ng tunay na relationship goal moment at warm hug mula sa kanyang nobyo. Nasa isang eleganteng hotel siya. Maraming taong naka-amerikana at bestida. May parang private event sa loob at halata na mayayaman ang nasa loob. Nagdalawang-isip siyang pumasok, pero nang tingnan niya ang kopya ng address na ibinigay ng nobyo niya, ito na iyon. She walked through the glass doors, heart racing. Then she saw him—tall, handsome, naka-itim na suit, at
Terakhir Diperbarui: 2025-07-23
Chapter: Chapter 27: The ScrapbookMalalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang
Terakhir Diperbarui: 2025-08-01
Chapter: Chapter 26: Temporary Freedom“Mahirap ang ganitong code, Kath. Hindi kasi ito basta-basta lang,” wika ni Boboy habang hawak ang tela na ipinakita ko. Napapakamot siya sa batok, pero titig na titig sa nakasulat dito.“Talaga ba? Pero kaya mo naman yan i-solve ‘di ba?”Nag aalanganin siyang ngumiti saka umiling. “Hindi ako sure kung kakayanin ko,” sagot niya kaya napa kunot noo naman ako.“Bakit naman? Pulis ka ‘di ba? At sabi ni Lawrence mahilig ka sa mga ganiyan simula noong mga bata pa tayo,” sagot ko naman na hindi makapaniwala sa naging sagot niya.“Susubukan ko, pero hindi ko pa ito magagawa ngayon. Isa pa may ibang bagay na ibinilin ang asawa mo. May pinapahanap din siya sa’kin, kaya sana maintindihan mo Katkat,” paliwanag niya kaya kinuha ko na lang mula sa kamay niya ang sulat.“Sige, may ibang araw pa naman,” sagot ko at tumango naman siya.“By the way, are you related to Anthony?” Nabigla ako sa naging tanong niya. Bakit biglaang naisingit si Anthony sa usapan namin? “Kaibigan siya ng asawa ko, at ako
Terakhir Diperbarui: 2025-07-31
Chapter: Chapter 25: Unfamiliar I decided to call Lawrence. Ilang dial pa ako, pero hindi niya naman sinasagot ito. Naibato ko na lang sa kama ang cellphone ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Maya-maya pa, biglaang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lawrence na malapad ang ngisi. Ano’ng ginagawa niya dito? Akala ko ba on travel siya?“Love, we found your grandfather,” masaya niyang balita kaya naman umatras ang inis ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Where is he?” “Dinala ko na muna siya sa probinsiya niyo, pero ang problema, hindi siya nagsasalita. Ang plano ko na lang sana ay dalhin ka na rin muna doon. Ikaw na muna ang magbantay sa kaniya, while nasa travel ako. Mas mabuti doon, alam kong safe ka.”“Sa probinsiya?” Para bang nakaramdam ako ng excitement nang banggitin niyang dadalhin niya ako sa probinsiya kung saan ako lumaki, pero bigla naman itong nabawi nang mapagtanto ko ang sinabi niya tungkol kay lolo. “Bakit hindi siya nagsasalita? Saan niyo ba siya nakita? May nanakit ba sa kaniya? Oh my goodness. L
Terakhir Diperbarui: 2025-07-29
Chapter: Chapter 24: Is it a nightmare? Or my Past?Napahawak ako sa ulo ko ng biglaan na naman itong sumakit. Sakit na parang hindi pangkaraniwan. Naupo ako sa kama ng dahan-dahan pero pakiramdam ko, nagdidilim ang paningin ko. “H-help,” I uttered but I know, no one can hear me.Bigla akong nagising na para bang nasa dalampasigan ako. Naririnig ko ang bawat paghampas ng alon. Bumangon ako ng dahan-dahan at napagtanto kong sa buhangin pala ako nahiga. Teka, bakit ako nandito? Nasa kwarto ako kanina, paano’ng napunta ako sa dalampasigan?“Hanapin niyo siya, huwag niyong hayaan na makatakas pa ang babaeng iyon!” Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa hindi kalayuan. Kaagad naman akong kumilos at naghanap ng mapagtataguan ngunit saka ko rin lang napansin na may sugat pala ako sa paa. Napatingin ako sa damit ko, I never dress like this. “Huwag niyong hayaan na makalayo siya. Halughugin niyo ang buong isla!” Sa malapitan, nakilala ko kung sino siya. It is Anthony. May hawak siyang baril at kasama niya ang kaniyang mga tauhan. “S
Terakhir Diperbarui: 2025-07-29
Chapter: Chapter 23: Locked UpNagmistulang tuod ang mga paa ko nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “Bakit ka nandito?” ramdam ko ang galit sa tono ng kaniyang pananalita.“I just came here to meet Gwen,” pagsisinungaling ko.“And you didn’t ask my permission first?” “Bakit? Umalis ka rin naman na hindi manlang nagsabi kung saang lupalop ka ng mundo pupunta,” sagot ko at tumayo ng padabog.“Boss, we’re just having a snack. Wala naman yatang masama,” sabat pa ni Gwen.“At isa ka pa. You filed for a week leave, right?” Tinuro niya si Gwen kaya tumango naman ito.“Hindi lang 1-week ang ibibigay ko sa’yo. Hindi ka na babalik sa opisina ko, you’re fired!” Hinila ako ni Lawrence palayo kay Gwen. “Ano ba Lawrence! Hindi naman yata makatarungan ang ginagawa mo. Walang kasalanan si Gwen, bigla mong tatanggalin?”“It’s okay Kath, hindi ko na rin naman kaya pang magtagal sa kompaniya ng asawa mo. Masyadong toxic at hindi mo alam kung sino ang pweding sumaksak sa’yo patalikod,” ani n
Terakhir Diperbarui: 2025-07-29
Chapter: Chapter 22: Meeting Attorney Valerie Kinagabihan, nagpanggap akong tulog pero pinakikiramdaman ko lang ang mga kilos ni Lawrence. Hindi siya nagpaalam sa’kin na aalis siya this night, pero umaasa ako na gigisingin niya ako para ipaalam sa’kin ang lakad niya.Naramdaman ko na lang na sumarado na ang pinto, at nang magmulat ako ng mata, wala na siya. Umalis na hindi man lang nagpaalam. Makatarungan ba iyon? Nagmadali akong nagbihis at dahan-dahan na bumaba. Sa likod ng mansion din ako dumaan, mabuti at naiwan lang ni Lawrence sa aparador ang susi ng gate sa likod. Buti dito, walang bantay kaya siguradong makakalabas ako ng walang nakaka pansin sa’kin.“Anak, sorry kung pasaway ang mommy mo ha. Ngayon lang naman ito,” wika ko habang nakahawak sa tiyan ko. Naglakad lang ako papunta sa café na sinabi ni Gwen. Nasa labas pa lang ako ay tanaw ko na siyang nakatayo sa labas na may hinihintay. Nang mapansin niya naman ako ay kaagad itong kumaway habang ngumingiti.“Ayos ka lang? Parang hingal na hingal ka yata,” aniya at inalal
Terakhir Diperbarui: 2025-07-26