CHAPTER TWENTY-six
THIRD PERSON's POINT of VIEW
"BREAKING NEWS! AIAH SALVISTRE O MAS KILALA BILANG MANAGER NG SIKAT NA ARTISTANG SI RASHEEQA LAURENT AY HINULI NG MGA AUTORIDAD MATAPOS MAKUMPISKA ANG ILEGAL NA DROGRA NA NASA LOOB NG SARILING BAGAHE NITO KANINANG UMAGA SA NAIA TERMIN—"
"I told you to stop watching news about Aiah." pinatay ni Paul ang telebisyon dahil si Aiah na naman ang laman ng balita. "Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang." pagpapagaan pa nito sa loob ni Rasheeqa dahil hanggang ngayon ay sinisisi pa din niya ang kanyang sarili.
'That should be her'
She keeps on blaming herself na kasalanan niya ang nangyari kay Aiah. Nasa mismong luggage niya nakalagay ang sinasabing ilegal na droga ngunit hindi naman niya alam kung sino ang naglagay ng mga iyon. Inako