Halos lumuwa ang mga mata ni Saint nang magpakilala si Evony sa kanya. May kumawalang singhap sa bibig niya lalo na noong ngumiti ito at kitang-kita ang iilang features niya sa mukha ng bata.
Ngunit bago niya pa makausap ito ay mabilis dumating si Rocky na ikinagulat din ni Saint.
“Mr. Bouchard?” bulalas ni Saint.
Lumingon si Evony kay Rocky at agad na nagpakarga rito.
“Daddy!”
May kung anong sumuntok sa puso ni Saint nang makita kung paano lumiwanag ang mukha ni Evony kay Rocky at tinawag pa itong daddy.
Lahat ng hinala niya at pag-asa ay naglaho bigla.
“Nice to meet you again, Mr. Irvine,” bati ni Rocky at pasimpleng hinapit sa bewang si Sloane. “Pasensya na pero kailangan na naming mauna ng mag-ina ko. Maiiwan ka na namin.”
Bumaling siya kay Sloane pero iwas ang tingin nito sa kanya pero naroon pa rin ang galit sa mga mata nito. Nanghihinang tumango si Saint, ramdam ang bigat sa puso niya.
‘Mag-ina, huh… Wow, and here I thought I still have a chance to fix my mistakes,’ he