Hindi na pinagsalita ni Sloane si Saint at mabilis siya nitong nilagpasan. Sumunod naman sa kanya ang mga empleyado niya, dama ang galit ng boss nila. Pumasok sila sa loob ng property na bibisitahin nila, mabilis ang kabog ng dibdib habang bahagyang nanginginig ang mga kamay sa galit.
Nang pumasok na rin sina Saint ay binalewala niya lamang ito kahit na gusto niyang magwala.
Sa buong property visit ay hindi dinapuan ni Sloane si Saint ni isang tingin. Ang mga board members niya ang gumisa sa lalake, kabi-kabilaan ang tanong habang siya ay nakahalukipkip lamang, mariin ang tingin.
Lumilipad ang isip niya sa mga salita ni Saint kanina na tumarak sa dibdib niya. She was disgusting by how he spoke about the past casually as if he didn’t treated her badly. As if he didn’t choose other woman.
Pero ang mas nakakagalit pa ay kung bakit apektadong-apektado siya sa lalake pati na rin sa mga sinasabi nito. She trained hard enough sa Canada para masigurong protektado ang puso’t isip niya sa o