For someone who is as almighty as Saint, begging for someone is not on his bingi card. Ever. He believes that everything will come under his feet in just a flick of his hand. Ni hindi niya ma-imagine na nagmamakaawa siya para sa isang tao.
Not even in his wildest dreams.
Kaya naman ngayong nakuha niya ang resulta ng paternity test—ang resulta na nagloko sa kanya ng ilang taon—wala na siyang ibang maisip kundi tumayo sa kabila ng panginginig ng buo niyang katawan, magmaneho papunta sa isang hotel habang pinipigilang huwag umiyak, at lumuhod sa harap ng kaisa-isang babae na bumuo at dumurog sa puso niya.
Nang makarating siya sa hotel ay mabilis siyang inasikaso ng mga receptionist, dahilan kung bakit niya mabilis natunton ang room hotel nina Sloane and Evony.
Sa kabilang ganda, tahimik na pinagmamasdan ni Sloane ang mga kumikinang na bituin sa madilim na langit, hinahayaang manginig ang katawan sa lamig ng simoy ng hangin.
She was in deep silence until a loud knock shut the whi