Pagkapasok ni Warren sa conference room, agad na nagbigay daan ang mga empleyado.
Walang umiimik.
Bagama’t ngayon lang nila nakita ang bagong presidente ng grupo, sapat na ang presensya nito para patahimikin ang buong gusali. Ang lakas ng aura niya, matatag, malamig, at nakakatakot.
Lumakad siya diretso sa mahabang mesa at tiningnan ang lahat. "Did you found her?"
Napatingin siya isa-isa sa mga mukha. Walang gustong sumagot.
Pero kailangan may magsalita
Darren Lim, ang direktor ng factory, lahat ng mata ay lumipat sa kanya.
Nagtagpo ang tingin nila ni Warren. Agad siyang pinagpawisan.
"CEO, W-We haven't see her yet..."
"You, Director Lim?"
"Y-yes, sir."
"According to my information, you were the first and last one to receive Secretary Zein today. That means you’re the one who knows best where she went."
Simple lang ang tono ni Warren, mababa, at kalmado. Pero bawat salita ay parang kutsilyong dahan-dahang humihiwa sa dibdib ni Director Lim.
Nag-