Namula ang buong pisngi ni Zein.
Para siyang nilitson nang buo.
Tahimik si Warren. Nakaupo ito sa gilid ng mesa, nakahalukipkip, at ‘yung ekspresyon niya ay parang. Alam nya ang tumatakbo sa isip ni Zein.
Matagal bago siya ngumiti.
"Secretary Zein, your imagination is really something." His voice slipped into a mix of teasing, irritation, and… was that amusement?
Nagliyab ang mukha ni Zein.
'Imagination mo mukha mo!' Pero hindi niya masabi.
Napayuko siya, kunwaring abala sa folder sa harap niya. "Ano po ang kailangan n’yong ipagawa? Gagawin ko agad."
Hindi na siya kinulit pa ni Warren.
Tahimik na umikot ito sa mesa, umupo sa tapat niya, at binigyan siya ng mga instructions.
Muling tumahimik ang study room.
Tanging tunog ng papel at keyboard lang ang maririnig.
ISANG oras ang lumipas.
Hindi na nag-angat ng ulo si Zein. Sobrang focused niya na parang hindi na siya nahihiya, O baka pinipilit niyang kalimutan ang kahihiyan kanina.
Samantalang si W