[17]
Pusong Lito***
Hindi ko rin alam kung matutuwa ako o maiinis sa ginawa niya. Para kasing nabitin ako sa panaginip ko. Parang tanga lang 'di ba.
Mabuti at maayos naman ang kinalabasan ng meeting. They agreed with our proposal to start a new coffee shop. After ng meeting ay sabay kaming nag-lunch ni kuya. Habang kumakain ay bigla niyang binanggit sa akin ang farwell party ni Marjorie na ikinagulat ko naman.
"Dude, pupunta ka ba sa party ni Marj? Bukas na kasi 'yon." Aniya.
Bahagya ko siyang tinitigan at huminga ng malalim. "Hindi ko alam." Walang gana kong sa