Younis's POV
"Yeah I'm fine!" Pagkasabi ko nun ay bumalik ako sa ginagawa ko at hindi ko alam kung tama ba. Ilang oras akong ganun lang ang ginagawa ko. Hindi na rin ako kumain kahit na panay aya ni Kevin. Hindi man lang ako na karamdam ng konting gutom buong araw.
Bago matapos ang araw at mag-uwian ang mga kasama ko dito sa office ay tumayo ako sa harapan nila at naghalf bow. Medyo mahirap sa akin ang ganitong gawain at ayoko sanag gawin ito, pero kung mananatili pa ako sa Arme pareho lang kaming mahihirapan.