PAGKARATING ni Luna sa kaniyang opisina ay puro trabaho agad ang kaniyang inatupag. Si Caroline ay halatang halata niya na gusto siya nitong kausapin ngunit hindi lang nito ginagawa. Sa ngayon ay wala muna siyang pakialam doon, ang mahalaga ay matapos niya ang mga bagay na dapat niyang tapusin lalo na’t marami siyang ibibilin kay Caroline mamaya.
Sa pagkabusy niya ay nawala na sa isip niya ang mga nangyari maging ang lunch ay nakalimutan na niya. Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Caroline ay hindi pa siya kakain. Sa ngayon ay nagpapahinga siya dahil katatapos niya lang kainin ang inihandang pagkain ni Caroline ng biglang bumukas ang pinto ng office niya.
“Sir, hindi ka po pwede dito!” pigil pa na sabi ni Caroline ngunit wala na itong nagawa dahil pumasok na ito ng tuluyan sa loob.
“I want to talk to you Luna.” Seryosong sabi ni Ivan.
Napatingin si Luna kay Caroline at tinanguan niya ito tanda na hayaan na ang lalaki. Alangan pa si Caroline kung iiwan ba niya ang amo kasama an