BAGSAK ang balikat ni Sebastian ng pumunta siya sa ospital kung saan ngayon naka-confine ang kaniyang ina. Hindi niya naabutan sina Luna at Celine. Pakiramdam niya ay nawala ‘din ang kalahati ng kaniyang pagkatao dahil umalis ang mga ito ng bansa.
Ngayon nagsisisi na siya kung bakit hindi nalang sana niya sinabi kay Luna ang lahat para hindi na umabot sa ganoon.
Napatingin naman sa pintuan sina Selana, Rocky at Vince ng bumukas iyon. Nang makita nila si Sebastian ay agad na napatayo ang dalawang kaibigan niya.
“Ian!” sabay na sabi ng mga ito.
“I was late.” Malungkot na sabi nito na ikinatahimik nilang lahat.
Si Selana naman ay nalungkot ‘din dahil sa narinig mula sa anak pero alam niya na mas malungkot ito. Naglakad ang anak nyia palapit sa kaniya at naupo sa upuan na nasa kaniyang tabi. Yumuko si Sebastian sa kaniyang hinihigaan kung kaya hinimas niya ang buhok ng anak.
“’Wag kang mag-alala anak, sigurado akong magkikita ulit kayo ng mag-iina mo.” Pagpapagaan niya ng loob