“Why are we taking so long in here?”
Tila inip na sabi ni Celine habang nasa loob sila ng elevator. Kanina pa kasi siya excited na makita ang itsura ng opisina ng kaniyang ama.
“And now your impatient huh?” Ngising sagot ni Sebastian na ikinairap naman ng bata sa kaniya.
Sakto na tumunog na ang elevator na tanda na naroroon na sila.
Pagkabukas na pagkabukas palang ng elevator ay nauna nang naglakad palabas si Celine na tila alam kung saan ito pupunta.
Hinayaan naman siya ni Sebastian dahil tanging ang opisina lamang nito ang naroroon.
Napahinto naman si Celine sa isang table na kinaroroonan ng secretary ni Sebastian.
Nakatitig lamang si Celine sa isang lalaki na nakasuot ng reading glasses na napahinto sa ginagawa nito dahil sa pagdating ng kaniyang amo.
“Sir Ian! Hindi ho ba at may meeting kayo bakit nandito ka na agad?” taas kilay na tanong nito kay Sebastian.
“Yeah, pero hindi natuloy.” Simpleng sagot nito na lalong ikinataka ng secretary niya.
Siya si Vince Dichoso. Ang