“AKO na ang magbubukas,”
Sabi ni Riri at naglakad ito papunta sa pintuan. Pagbukas ni Riri ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang kaniyang boyfriend kasama si Vince at Sebastian.
“Hi babe,” alanganing bating sabi ni Rocky ng makita ang kaniyang girlfriend ngunit hindi pa niya nasasagot ang lalaki ng magsalita si Sebastian. “Where is Luna and Celine?” tanong niya dito ngunit katulad ulit kanina ay hindi siya nito inintay na makasagot at basta-basta nalang itong pumasok sa loob.
“Sana ‘di ka nalang nagtanong,” simangot na sabi ni Riri na ikinailing ni Vince. “Pagpasensyahan mo na Riri,” sabi nito kay Riri at sumunod sa kaibigan habang si Rocky naman ay nilapitan ang kasintahan.
Si Selene at Luna ay nakatayo lamang sa kanilang kinalalagyan at inaabangan kung sino ang papasok sa pintuan na iyon. Maya-maya pa ay pumasok si Sebastian na ikinatayo ng ayos ni Luna. Lumibot ang mata ng lalaki sa loob at agad na naglanding iyon kay Luna na siyang matagal na niyang hindi nakikita.
Pakiramdam