KATULAD ng inaasahan ay mabils na kumalat ang balitang si Sebastian Anderson at Luna Fenandez ay sila na. Kung noon ay marami ang nanghinayang dahil sa balitang mayroon ng bagong babaeng pakakasalan si Sebastian ngayon ay masasaya na ang mga ito.
Actually, karamihan nga sa kanila ay naniniwala at umaasa na sila pa ‘rin ang magkakatuluyan. Hindi naman sila nagkamali dahil ilang araw lang ang lumipas ay iyon na ang balitang lumabas sa news.
Nang matapos nga ang scene na iyon sa mall ay umuwi ang mga ito sa bahay nila Luna. Dahil lahat sila ay masaya para sa pagkakataon na iyon ay kaagad silang nag celebrate lalo na sa sobrang tuwa ni Celine ay ito pa ang nagluto para sa kanila.
At syempre dahil naroroon si Sebastian ay tinulungan niya ang anak sa pagluluto kung kaya ang dinner nila ay ang mag-ama ang nag prepare. Katulad ng inaasahan ay sobrang sarap ng luto ng mga ito, luto pa nga lang ni Celine ay nasasarapan na sila ngayon pa kaya na nagluto ‘rin si Sebastian.
Hindi nga makapa