“PARDON me?” hindi makapaniwalang sabi ni Luna na ikinatingin ng seryoso sa kaniya ng ama ni Sebastian.
“I know na hindi ka bingi, Luna.”
Napahinga ng malalim si Luna dahil sa kaniyang pagtitimpi. Hindi na niya nagugustuhan ang inaasata nito sa kaniya isa pa, first name basis agad ang itinawag nito sa kaniya. Okay lang sana iyon kasi lolo naman siya ng anak niya ngunit kapag ganon na sa opisina siya nito pinuntahan at oras ng trabaho alam dapat nito ang professionalism.
“Again, pardon me.” This time seryoso na ‘rin si Luna at nakipagsabayan sa matanda.
Kung hindi siya nito kayang respetuhin at isinasawalang bahala niya ang paggalang niya dito ay ganoon ‘din ang gagawin niya. Akala pa naman niya dahil sikat itong negosyante at matagal na sa larangang iyon ay maalam ito sa mga basic na bagay sa pakikipag-usap.
Ngunit wala itong modo! Alam na niya kung kanino nagmana si Sebastian.
“May I remind you Ms.Anderson, you are here at my office and sitting at may chair. Kung hindi mo kayang rume