BUONG maghapon wala sa sarili si Luna. Nasa trabaho nga siya ngunit ang utak niya ay wala doon lalo na at tila nag-eeco sa isip niya ang huling linya na sinabi ni Sebastian.
Ang hindi alam ni Luna ay kanina pa siya tinatawag ni Caroline upang sabihin dito ang schedule niya para bukas. Mag-uuwian na ‘rin kasi sila kaya bago sila umuwi ay nag report muna ito kay Luna. Kaso tagusan lang ang tingin nito sa kaniya.
Kahit na tila nakikinig ito ay tila isa siyang multo sa harapan ng amo. Sinubukan na niyang ikaway ang kamay sa harap ni Luna ngunit katulad ng inaasahan ay hindi manlang ito kumurap. Wala nga ito sa sarili, kanina pa niya iyon napapansin simula ng pumasok ito.
Tinatanong niya naman ito kung ayos lang siya pero tango lang ang sinasagot nito sa kaniya. Hindi magaling magsinungaling ang amo niya.
“Ms.Luna!” buong lakas na sigaw niya na ikinabalik ni Luna sa kaniyang sarili.
Nakita niya si Caroline sa kaniyang harapan at punong-puno ng pagtataka ang isip.
“Are you saying