ORAS nang tanghalian at nagsama-sama ang napakaraming studyante ng Moon University sa kanilang cafeteria. Kahit sila Celine ay naroroon upang kumain ng kanilang tanghalian. Hindi naman nahirapan si Celine na makipagclose sa kaniyang mga kaklase kung kaya masaya siya na nag-aaral sa day care.
“Celine dito tayo ah!”
Sabi ng isa sa kaklase niya na papunta sa may isang table na ikinatango niya lang at humarap na muli sa counter para umorder.
“Oh, ikaw pala ‘yan Celine. Anong sa’yo?” ngiting tanong sa kaniya ng isa sa mga nagbebenta doon.
Madaling nakilala si Celine sa lugar na iyon hindi dahil alam nilang anak ito ni Sebastian Anderson kundi dahil sa angking talino, ganda at daldal nito. Pero sa katalinuhan talaga siya pinakang sumikat, kahit sa college building ay alam nila ang tungkol sa isang bata na mayroong IQ na sobrang taas.
Balibalita na nga ang pag a-advance ni Celine dahil hindi na naaayon sa IQ niya ang tinuturo sa kanila.
“Isa pong—” hindi naituloy ni Celine ang pag